Dahan-dahan kong tinatahak ang hagdan pababa. Naririnig ko na ang presensya ni Kuya JD. Nandito na siya malamang.
Natigilan ito sa pagtanggal ng kaniyang necktie nang makita akong nakabihis. "Naabutan nga kitang nandito, aalis ka naman. Haynako, Marley," giit nito at muling in-un-tie ang necktie nito.
"Atleast naabutan mo ako 'di ba? Sige na. Alis na ako," sabi ko at lumakad na.
"Saan ka ba pupunta?" iritable ang tono ng kaniyang pananalita.
"Sa aking stress free," sagot ko at lumabas na patungo sa motor. Mabilis kong pinaandar 'yon papunta sa TG.
ARIES
"Marley, you have a fight."
Napabangon ako nang makita ko ang text ni Master Zen. Sinadya niyang i-send rin sa akin 'yon kahit nag-quit na ako. Demonyo talaga.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Dali-dali akong kumilos at nagtungo sa bahay nina Marley. Alam kong hindi ko na dapat siyang tawagan pa dahil paniguradong hindi niya 'yon sasagutin.
"Jack, si Marley?"
"Ha? Kakaalis lang, sa'n ba k–"
"Shit!" sambit ko at muling pinakaripas ang motor papunta sa TG. Marami ng tao sa loob dahil mukhang mag-uumpisa na ang laban. Mabilis kong ipinarada ang motor sa likod nito ngunit bigla kong nakita si Marley na nag-gagayak na para sa laban. Walang pasubali ko siyang nilapitan.
Mabilis akong bumaba ng motor at kinompronta siya. "Akala ko ba mag-qu-quit ka na rin, ha?!" gigil kong tanong sa kaniya.
Nginisian niya ako at saka siya sumagot. "Why would I? Sabihin mo ng talkshit ako pero napag-isip isip ko na bakit ko gagawin 'yon? TGroundz is already a Family. 'Wag mo akong itulad sa'yo dahil ikaw, wala kang utang na loob!"
Aalis na sana siya pero hinigit ko ang braso nito.
"Hindi ka puwedeng lumaban!" I exclaimed.Mabilis niyang tinanggal ang braso niya sa akin at tinawanan ako. "Ano ba'ng pakialam mo, Aries? Itigil mo na 'yang kaka-epal mo sa buhay ko. Hindi mo ako binili kaya't 'wag kang umasta na iyong-iyo ako, na parang ikaw dapat ang magdedesisyon sa mga gagawin ko at sa buong buhay ko!"
"Marley, papatayin ka nila!" mariin kong sabi sa kaniya. Kalmado lang ako dahil kailangan ko siyang makumbinsi.
"Hindi na ako takot mamatay, Aries."
"Parang awa mo na, Marley, makinig ka sa akin. Demonyo 'yang mga namumuno sa TG! Traydor sila. Papatayin ka nila ngayon! Makinig ka naman sa akin!"
"Hindi na ako natatak–"
"Sila ang pumatay kay Megan! Si Murderous ang kalaban mo ngayon, Marley. At si Murderous ang pumatay sa kaniya. Planado na lahat kung paano ka nila papatayin dahil mag-ama si Master Zen at si Murderous. Pareho silang demonyo. Pumasok ako dito dahil gusto kong iganti si Megan. Nalaman nila ang plano ko kaya hindi nila ako itinatapat kay Murderous dahil alam nilang papatayin ko rin siya gaya ng pagpatay ko sa isa pang anak ni Zen na si Alpha. Tahimik ang gantihan namin. At ngayon, ikaw, dahil alam nilang importante ka sa akin. Marley, Please, 'wag mo na–"
"Taylor, umpisa na ang laban."
Halos manginig ang buo kong katawan nang marinig ko ang boses ng demonyong Zen na 'yon. Nakatulala lang si Marley sa kaniya na animo'y gulat na gulat.
"Hayop ka, Zen!"
Humarap ako sa aking likuran ngunit mabilis niya akong tinutukan ng kutsilyo sa leeg kaya't hindi agad ako nakapalag.
"Go inside, Taylor. May laban ka sa loob at hindi mo na puwedeng tanggihan pa 'yon dahil sisirit ang dugo ng lalaking pinakamamahal mo."
"Marley, 'wag! Umalis ka na."
BINABASA MO ANG
BORROWED LOVE (COMPLETED)
ActionTwo different person both left behind with different cause of heartbreak stories. These such gave them a huge impact to change theirselves, one for the better and another for the worse. Aries Evans loves a woman who are no longer exists in the worl...