"Bakit ka nandito?"
"Wala kang pakialam!"
Dire-diretso itong kumuha ng tubig sa ref at uminom.
"Asawa mo na ba si JD?"
"Not yet but soon to be," malanding tugon ni Iris at muling tumungga ng tubig.
Iritable ko siyang sinundan ng tingin papunta sa living room. Ang aga aga ay nandito na agad sa bahay. Akala ko pa naman kung sinong pagka-ingay ingay na bunganga, siya lang pala.
"Nasaan ba si JD?"
"Bumili ng makakain namin."
"Bakit ang aga mong nandito?"
"Bakit ba, sis?"
Halos maibuga ko sa kaniya ang tubig na nasa bibig ko dahil sa pagtawag niya sa akin. Kadiri.
"Don't you ever fucking call me sis again or else I'll kick you out of this house," galit kong tugon ngunit inirapan niya lang ako.
Napatingin kami pareho sa pinto at nagulat ako nang makitang may kasama na si Kuya ngayon.
"Duh," sambit ni Iris.
"Bakit nandito ka?" tanong ni Aries kay Iris nang makalapit ito sa amin.
"Wala. Foodtrip lang," si Kuya JD ang sumagot. Napa-make face naman ako agad, 'yong mukhang hindi naniniwala.
"Ikaw ba't ang aga mo rito?" tanong ni Iris pabalik.
"Wala kang pakialam."
Kung kanina ay si JD ang sumagot, ngayon naman ay ako.
Nag-foodtrip na lang kaming apat habang nanonood ng movie. It's already December 20 kaya't medyo malamig na rin talaga ang simoy ng hangin. This is what I love for this month.
"Inom tayo," aya ni JD na sinang-ayunan kaagad ni Aries. Mga wasalak.
Naiwan na naman kami ni Iris dito dahil bumili sina Aries at JD ng alak. Desidido talaga silang uminom.
"Ngayon bilib ka na sa ganda ko, Marls? I finally got your brother," taas noo nitong sabi at malawak na ngumiti.
"He was trying to out of his comfort zone kaya pinili ka niya, for now!" natatawa kong sabi at saka nagtungo sa kusina. Narinig ko pang nagmura siya kaya natawa ako.
Nagluto na lang ako ng Fries pang-pulutan. Nagsimula na kaming mag-inom. Pinatay na namin ang movie at nag-soundtrip na lang habang nagku-kwentuhan.
"Double-couple date?" maarteng tugon ni Iris at tumungga ng tagay.
"Couple na ba kayo?"
"Hindi pa sa ngayon, Aries, pero malapit na."
Umirap lang ako at ibinaling ang atensyon kay JD. Matapos niyang tumungga ng tagay ay nagsimula na akong tanungin siya.
"So, paano nangyari 'tong ganito, Kuya?"
"Ano'ng ganito, Bob?"
"Ganito! Bakit parang biglaan yata ang 'dating' niyo ng babaeng 'yan?"
"We confessed each other noong nasa Palawan tayo and we have mutual feelings," dire-diretsong sagot ni Iris.
Napapalakpak naman si Aries sa pagbunyag ni Iris habang si Kuya JD ay tila nahihiya dahil sa kadaldalan ng babaeng pinili niya.
"Habang may ginagawa pala kami, nag-aaminan kayong dalawa? Nice, tol!" tawang-tawa na sabi ni Aries habang tinatapik-tapik si JD sa balikat. Natahimik siya nang batukan siya nito.
BINABASA MO ANG
BORROWED LOVE (COMPLETED)
ActionTwo different person both left behind with different cause of heartbreak stories. These such gave them a huge impact to change theirselves, one for the better and another for the worse. Aries Evans loves a woman who are no longer exists in the worl...