Alas dos nang bumyahe kami pabalik sa Manila. Sabay-sabay ang reklamo dahil sa malalang sakit ng ulo dulot ng hang-over.
Isinandal ko na lamang ang ulo ko sa balikat ni Aries upang makapagpahinga man lang kahit saglit.
We're finally here at Manila. Pare-pareho kaming excited na magpahinga na dahil sa sobrang pagod.
"Oh pa'no? kaniya-kaniyang uwi na tayo," sabi ni Kuya ngunit umiling lang ang mga tropa. Mukha talagang wasted lahat.
"Parang hindi na namin kakayaning mag-commute pa. Malapit naman na tayo sa inyo kaya doon na muna kami tutuloy," seryosong sabi ni Klay habang ang mata'y papikit-pikit pa.
Napailing si Kuya habang natatawa. "Mahina, mahina, mahina!" pang-aasar pa nito.
"Gunggong," sambit ni Klay at pinakyu pa si Kuya JD.
Walking distance na lang naman ang bahay namin kaya't mas pinili nilang sa amin na muna tumuloy. Nang makarating sa bahay ay kaniya-kaniyang pwesto ng higa sa kahit na saan. Si Aki, Aries at Klay ay sa sahig na lang humiga habang sina Amber, Iris at Dasha ay sa sofa.
"'Di ka ba pagod?" natatawang tanong ni Kuya.
Napanguso ako at biglang bumagsak ang aking balikat. "Mas pagod pa sa tired," sabi ko with paawa effect. Natawa lang siya at ginulo ang buhok ko. Akmang lalakad na siya palayo nang may maalala ako. "Teka, kuya?"
Agad naman niya akong nilingon. "Oh?" tanong nito.
Lumapit ako nang husto sa kaniya. Pinasadahan ko muna ng tingin ang buong barkada at nang makumpirmang tulog na ang lahat ng ito ay saka ko siya muling binalingan ng tingin. "Naka-score ba?" halos pabulong kong tanong. Napanguso ako nang tawanan niya lang ako nang tawanan.
"Demonyo ka talaga, e 'no? Hindi, gago!" natatawa niya pa ring sabi.
Nag make-face ako. "Weh?" I teased him.
"Oo nga tanga. Hindi ko pa naman siya girlfriend, bakit ko titirahin 'di ba?"
Natawa ako sa pagiging straight forward niya pero nangingisi pa rin akong tiningnan siya.
"What's with that smirk, Bob?"
"Hindi 'pa', ano 'yon may balak ba?" tanong ko habang nakangiti nang nakakaloko.
Umiwas siya ng tingin at nakita kong medyo namula siya. "There's nothing wrong with her," naiilang nitong sabi dahil inaasar ko siya gamit ang aking tingin at nakakalokong ngiti.
"Bet mo na pala mga childish-type, Alcoholic," sabi ko habang nakatingin pa rin sa kaniya ngunit pilit niyang iniiwas ang tingin sa akin. "That's okay. 'grats, bro. Graduate ka na pala sa mga beauty queen-type. Childish-type. Noted 'yan!" pahayag ko habang nakaguhit pa rin ang ngiting pang-asar at tinatapik-tapik pa siya sa balikat.
"Ulol! Doon ka nga!" gigil nitong sabi at pinalipad ang kamay kong pinangtatapik sa kaniyang balikat. Natatawa kong sinundan siya ng tingin paakyat.
Sabay naming inilibot ni Aries ang TGroundz na ngayo'y tahimik na at malungkot. Giba na at mukha na itong horror place dahil sa ilang bitak ng semento.
"Naalala ko, dito iniukit ni Master Zen ang tattoo ko bilang isang TGroundz fighter," tugon ko at saka umupo sa couch na inaalala. "Iyon ang una kong panalo laban kay Retro, at doon ako na-diskubre ni Master Zen," dagdag ko pa habang inaalala ang panahong iyon.
"Retro? Patay na rin si Retro, pinatay nila."
Napatingin ako sa kaniya habang nakakunot ang noo.
"Pati si Maru. Lahat ng magagaling," dagdag niya.
BINABASA MO ANG
BORROWED LOVE (COMPLETED)
ActionTwo different person both left behind with different cause of heartbreak stories. These such gave them a huge impact to change theirselves, one for the better and another for the worse. Aries Evans loves a woman who are no longer exists in the worl...