Dahan-dahan kong pinasok ang bahay naming napakadilim. Walang kailaw-ilaw sa labas maging sa loob. Ano'ng nangyayari?
Ramdam ko ang pawis na dumadaloy sa aking katawan. Mabilis ang tibok ng puso ko dulot ng sobrang kaba. Kinapa ko ang switch ng ilaw at nang matunton ko 'yon ay agaran kong pinindot nang sabay ang switch ng ilaw sa sala.
"HAPPY BIRTHDAY, MARLEY!"
Tila nabunutan ako ng tinik nang makita ko ang mga walanghiyang mapanlinlang ng taon. Sina kuya at mga barkada niya pati ang mga barkada ko. Hawak ni kuya JD ang Mary Grace na cake.
"Blow your candle, Baby Girl!" sabi nito habang lumalapit sa akin. I closed my eyes and started to wish.
Lord, bring out the best in my life. I surrendered it all to you. Hope that you'll let me to conquer the happiness I deserved. I will wait.
I blew the candle and they start again to sing a happy birthday. My not so happy birthday.
"Happy birthday, Bob!" bati ni kuya at sinalubungan ako ng yakap. I hugged him tight.
"Mga pa-eme mo, Alak, kaya pala maaga mo ako pinapauwi, ah. Talagang kinuntsaba mo pa ang mga kaibigan ko!"
"Happy birthday, Marley!" bati nina Tyler, Ash, Matt at Bryle. Nginitian ko silang lahat at nagpasalamat. Ganoon din ang mga kaibigan ko.
"Sinabihan ko si Aries about your birthday. Bakit kaya wala pa siya?" Hindi ko alam kung tanong ba o share lang ni Kuya JD.
"'Wag mo nang hanapin 'yong wala. Let's just celebrate," I said while raising my brows. Ramdam ko naman na nararamdaman na niyang may mali kaya't mabilis ko siyang iniwan at nakipag-chikahan sa mga barkada niya.
"How old are you na?" tanong ni Matt at saka ako inakbayan.
"20 years old," sagot ko.
"Batang-bata. May boyfriend ka na ba?" tanong ni Ash at umiling lang ako.
"How about my cousin, Gabe? Ayaw mo ba doon, Marls? Deds na deds pa naman sa'yo 'yon at ikaw parati ang bukambibig sa tuwing magkakaharap kami," Tyler said.
Napangisi na lang ako dahil naisip ko na naman ang ginawa ko sa kaniya kanina. I rejected him at para akong nakokonsensiya roon. He doesn't deserve to be rejected.
"Dude!"
Napatingin kaming lahat kay Kuya JD na agarang tumayo at sinalubong ang taong kararating lang. My heart beats so fast. This shit seems in a final marathon.
His looks, smile, body and everything he has can make my world spin again and again to him. This is insane.
"Akala ko hindi ka na pupunta, e. Espesyal na araw ng bebelabs mo, p're," asar sa kaniya ni Kuya JD. Napatingin siya sa gawi ko at mabilis akong umiwas ng tingin.
"Wait lang, ah," paalam ko at nagtungo sa comfort room. Doon ay ibinuhos ko ang luhang kanina ko pa gustong ilabas.
Hindi na biro 'tong nararamdaman ko sa'yo, Aries. Gustong-gusto ko nang ipangalandakan sa'yo kung gaano kita kamahal. Pero masyadong magulo ang lahat. Alam ko at ramdam ko na iba 'yong ikinikilos mo sa nais mong sabihin. Sobrang sakit dahil pakiramdam ko ay alam ko na ang sagot.
Nang bumalik ako ay nagsisimula na silang uminom. I sat beside my brother. Ako ang nasa pinakadulo ng sofa at kahilera namin sina Matt, Bryle at Iris, habang nasa tapat na sofa namin sina Aries, Aki, Klay, Dasha and Amber. Nasa solo sofa naman sina Tyler at Ash na parehong siga rito sa bahay.
Habang sila'y nagkakantahan sa videoke, tahimik naman akong nag-i-scroll sa fb at masugid na pinasasalamatan ang mga bumabati sa akin through social media.
BINABASA MO ANG
BORROWED LOVE (COMPLETED)
AcciónTwo different person both left behind with different cause of heartbreak stories. These such gave them a huge impact to change theirselves, one for the better and another for the worse. Aries Evans loves a woman who are no longer exists in the worl...