Nandito sila for their prenup shoot. Dali-dali akong nagtungo sa people's park para makumpirma kung nandoon ba talaga sila. Ginamit ko ang motor ko para makapunta roon. Tatlong kanto pa kasi mula sa bahay namin ang people's park.
Gustong-gusto ko na siyang makita. Bihira lang sila umuwi dito sa Manila dahil doon sila nakatira sa Cebu kaya't hindi ko na sasayangin ang pagkakataong ito. Napahinto ako nang makita ko siyang nakasandal sa isang poste at nakatitig lang sa fiancée niya na kinukuhanan ng litrato.
"Tom," sambit ko.
Hindi siya lumingon dahil halos bulong lang ang pagsambit ko sa pangalan niya. He always made me weak. Patakbo akong lumapit sa direksyon niya at niyakap siya mula sa likuran.
Mabilis niya 'yong tinanggal at gulat na tumingin sa akin. "Marley, what the hell are you doing?" galit niyang tugon.
"I love you, Tom! Hindi ka pwedeng magpakasal sa ibang babae!" Akmang yayakapin ko siyang muli pero mabilis niya akong tinulak palayo sa kaniya.
"You're damn crazy!" sigaw niya.
"Yes, I'm crazy with you, Tom! Akin ka lang! Akin ka!" hiyaw ko rin at muling lumapit sa kaniya ngunit muli niya akong tinulak palayo.
We already caught the attention of the others but I don't have any care. Si Tom ang ipinunta ko rito at hindi sila.
"Who is she?" tanong ni Shein kay Tom.
Ngumisi ako sa kaniya at dinuro siya "You ruined everything! Ang kapal ng mukha mong agawin si Tom sa akin. Malandi! Maharot!" sigaw ko habang tumatakbo palapit sa kaniya para sana gulpihin pero mabilis na humarang si Tom.
"Touch her, hindi ako mag-da-dalawang isip na saktan ka. Ako ang makakalaban mo, Marley!" Mariin ang bawat bigkas niya, ultimo ang pagpisil niya sa braso ko ay mariin dulot ng matinding galit sa akin. Maya-maya'y pinalipad niya iyong braso ko dahilan upang bumagsak ako. Hinang-hina ang tuhod ko kaya't nawalan agad ako ng balanse.
Napayuko ako at doon umiyak nang umiyak dahil sa sakit na nararamdaman. Pigang-piga ang puso ko. Ganitong-ganito ang scenario noong panahong inaamin niya sa akin na ginawa niya lang akong panakip-butas at si Shein ang totoong mahal niya. Iyong panahon na hinihintay niya lang si Shein na ipaglaban siya nito sa magulang upang maging legal na silang magkasama. Ganito ka-sakit iyon.
Lumuhod siya at pinisil ang aking balikat. Ayaw kong tumingin sa kaniya. "Marley, hindi mo kailangang gawin 'to. Magpapakasal na ako sa babaeng totoong mahal na mahal ko. Almost thousand times na akong humingi ng sorry sa'yo dahil sa ginawa kong panloloko noon. Palayain mo naman na ako. Stop being so selfish. Stop doing these shitty things because you won't ruined us. Marley, how many times do I have to tell you that I never love you," paliwanag niya.
Bagsak ang balikat, ulo, maging ang mga luha ko nang marinig ko na naman ang pahayag niyang iyon. Ganoon din ang paliwanag niya sa akin noon. Umulit na naman ang senaryong iyon. Umulit na naman ang sakit na 'yon.
How many times do I have to received painful words and acts? Pagod na ako. Pagod na ako manlimos ng pagmamahal. Pagod na ako manlimos ng atensyon. Pagod na ako magmahal gayong hindi kailanman nasusuklian. Pagod na pagod na ho ako, Lord.
"A-ano'ng nangyari sa'yo?" asked JD. Nginitian ko lang siya kahit nanginginig ang labi ko dahil sa pagpigil ng iyak. Mabagal akong umakyat patungo sa aking kwarto. Sinulyapan kong muli si Jack na nakatitig pa rin sa akin. I smiled at him and...wave.
ARIES.
I saw her. I saw how much pain she's carrying now. Sa bawat patak ng luhang bumabagsak sa mata niya ramdam ko kung gaano kasakit ang mga 'yon.
BINABASA MO ANG
BORROWED LOVE (COMPLETED)
AcciónTwo different person both left behind with different cause of heartbreak stories. These such gave them a huge impact to change theirselves, one for the better and another for the worse. Aries Evans loves a woman who are no longer exists in the worl...