Chapter 35: Officially on

4 1 0
                                    

MARLEY

Patuloy na umaagos ang aking luha hangga't sa narinig ko na ang mga putok ng baril. Alam kong sa akin niya iyon pinaputok. I am dead, pero bakit gano'n? Wala akong nararamdamang sakit?

Nagulat ako nang may maramdaman akong mahigpit na yakap. Doon ay natigil ang pagluha ko at unti-unti kong iminulat ang aking mga mata.

I am not dead. Aries is hugging me now.

ARIES

The first thing I can do right now is to hug her tight as I can. Alam ko kung gaano kalakas ang epekto ng mga pinagsasasabi ko kanina. Alam ko kung gaano kasakit 'yon para sa kaniya.

Ginawa ko iyon para mawala ang atensyon ni Zen sa kaniya, I succeed.

I'll accept her hate for now but I'll make sure that our love will still reign at last.

JACK DANIEL

Pareho kong tinatawagan sina Marley at Aries pero pareho ring walang sumasagot sa mga tawag ko. Para na akong tanga na paikot-ikot sa buong bahay. Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay may ginawa na namang kakupalan 'yong dalawang 'yon.

I tried to call their friends through messenger, and finally sumagot si Klay.

"Yo, JD!" sabi ni Aki na ngayo'y nakasiksik kay Klay.

"Magkakasama ba kayo nina Aries at Marley? Where are they?"

"Hindi namin sila kasama. Walang signal kung nasaan sila, boi. 'Di nagpapaalam, masyadong mysterious type 'yong mga 'yon, e," pahayag ni Klay at sabay silang nagtawanan ni Aki.

"Come with me," ma-awtoridad kong sabi sa kanila. Magsasalita pa sana sila pero agad kong inunahan. "Wala ng maraming dahilan. Sasamahan niyo ako sa ayaw at sa gusto niyo."

Mabilis silang nakarating rito sa bahay gamit ang kani-kanilang motor.

"Iwan niyo 'yang mga motor niyo. Mag-kotse tayo!"

"Nice idea, JD!" sambit ni Aki at mabilis na pumasok sa loob ng kotse gayundin si Klay.

"Mukhang may mga amatz ah?" nakangisi kong tanong sa kanila habang nagmamaneho.

"Saan ba tayo pupunta, Jack? Inistorbo mo pa kami. Gusto mo lang pala mag-roadtrip!" sabi ni Klay at muli silang nagtawanan ni Aki pero hindi ko na lang pinansin.

"Pupunta tayo sa TG. Malamang sa malamang ay nandoon sina Marley at Aries."

Sandali silang natahimik.

"TG? JD, kung isinama mo kami para ituro sa'yo 'yong lugar, hindi namin alam 'yon. Wala rin sa waze 'yon dahil ilegal ang lugar na 'yon."

"Sinama ko kayo para may props lang ako. Alam ko 'yong lugar. Manahimik na lang kayo."

Sinunod naman nila ang utos ko na manahimik na lang. Alam ko ang lugar na 'to dahil sinundan ko si Marley noon. Nagkunwari lang akong walang alam sa pakikipaglaban niya pero ang totoo. Alam ko.

Nang makarating ay naghiwa-hiwalay kami upang hanapin ang dalawa. Malaki pala talaga 'tong TGroundz na ito.

"Jack, Klay!" hiyaw ni Aki.

Mabilis akong nagtungo sa direksyon ng sigaw niya. Napatigil ako nang makita sina Marley at Aries na nakahandusay.

"Aries, Marley? Gumising kayo! Huwag kayong magbiro nang ganiyan!" aligagang sabi ni Klay habang niyuyugyog ang dalawa.

"D-dalhin natin sila sa ospital! Bilis!"

Binuhat ni Klay at Aki si Aries habang ako naman kay Marley. Nang maisakay sa kotse ay mabilisan kong pinaharurot 'yon sa pinakamalapit na ospital.

BORROWED LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon