Prologue

2.8M 47.4K 25.6K
                                    

This story occasionally contains strong language and some mature situations (poverty, mental health issues, bed scenes, and unusual humor) which are intended for an older youth audience.

I write different genres and use different voices.. You may check my other works if you're uncomfortable reading this story.

DISCLAIMER: Characters, places and events are fictitious.

Unedited raw copy.

THIS NOVEL IS COMPLETE HERE ON WATTPAD.

-------------------------------------------------------

SALAMAT naman at natapos na ang mahabang araw mula sa trabaho. Pagod na pagod ako maghapon, pero sa wakas at makakauwi na ako. Ang kaso, another pagsubok na naman ang dinadanas ko rito sa loob ng siksikang bus.

Bukod sa kakaiba ang simoy ng mga katabi ko, ang sakit pa ng paa ko sa pagkakatayo. Standing ovation ang drama namin dito. Bakit naman kasi nagka-rally pa ang mga jeep dito sa Cebu ngayong araw!

At bakit kasi nagpapasakay pa sina Drivie at Konduktorie gayong puno na ang bus nila? Gusto yata nila magpatong-patong na kami rito, e! Mabuti sana kung may guwapo silang pasahero, kahit siksikan ay makakatiis ako.

Well, hindi ko alam kung bakit ako sabik makakita ng guwapo. Siguro dahil boring talaga ang buhay ko, 'tapos wala pa ako'ng lovelife. I-b-ri-neak kasi ako ng last and serious boyfie ko dahil wala ako'ng time sa kanya. Mantakin mo ba naman kasing pag-uwi ko sa bahay galing sa trabaho ay matutulog na ako. 'Tapos kinabukasan ay maliligo lang ako, then papasok na uli sa trabaho. Ganoon ka-boring ang buhay ko. Ni hindi na ako nago-grow sa paulit-ulit na sistema.

Pero kahit napaka-workaholic ko, hindi ko pa rin nabibili ang mga gusto ko. Malaki kasi ang responsibilidad ko sa aking family. Lahat ng sahod ko, napupunta sa pamilya ko, simot-sarap lagi ang wallet ko. Pati nga sa pagkain ay tigang ako.

Speaking of pagkain, kanina pa ako natatakam sa baon ko'ng sandwich. Kanina pa rin kasi ako nagugutom. Kaya naman kahit siksikan ay hinugot ko iyon mula sa loob ng aking shoulder bag.

Napakagat-labi agad ako pagkaangat ko sa sandwich. Binuksan ko agad ang plastic nito. Hayun, ang kapal ng palaman. Mainit-init pa ito at ang saucy tingnan. Sakto traffic, mae-enjoy ko itong sandwich ko. Pero nang akma ko na iyong isusubo ay bigla ako'ng natigilan.

Paano ba naman kasi ay may matangkad na lalaki na nakatingin sa akin don sa bandang unahan ng bus. Umawang ang mga labi ko ng makita ko kung gaano siya kaguwapo. Kahit malayo siya ay kitang-kita ko ang tangkad at tikas niya-pati na rin ang mga mata niyang kulay brown.

Saka ko napansin na hindi lang pala siya basta nakatingin sa akin, nakatitig siya sa 'kin! Titig na walang kurap!

Ano kayang problema niya? Crush niya ba ako?

Sumimple rin ako ng tingin sa kanya- pero nagtama lang ang aming mga mata.

Ang puso ko! Para ng mabubutas ang dibdib ko sa lakas ng kabog nito.

Ibinalik ko sa bag ko ang sandwich. Siguro ay mamaya ko na lang iyon kakainin. Hindi ko rin naman kasi magagawang lumunok nang maayos kapag alam ko'ng may nakatitig sa akin.

Bakit ba kasi siya nakatitig sa akin?!

Ilang minuto na ang lumipas ay nakatingin pa rin sa akin ang mapupungay niyang mga mata. Teka lasing ba siya?

Humarang sa harapan ko ang konduktor ng bus.

"Miss, don ka sa bandang dulo," utos sakin ni konduktorie. "Para makasakay naman iyong ibang pasaherong gustong sumakay."

Babysitting the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon