Kabanata 10

485 21 1
                                    

Kabanata 10: Sabay sa Saliw ng Musika

Hindi ko pala kaya. Hindi na ito mapipigilan pa. Ang balak kong kalimutan na lamang ang nararamdaman at iwasan siya ay siya palang ikalulugmok ko... Higit pa sa balitang ikakasal na ako at ang pagkawala, kahit papaano, ng kalayaan.

"Magiging abala ka ba bukas?"

Nilingon ko si Pacifico at saglit na napaisip. Bakit niya ako tinatanong ng ganyan? Iniisip niya bang hindi na ulit ako makikipagkita sa kaniya pagkatapos nito? Lihim akongnapangisi. Hindi ko rin naman siya masisisi kung iyon nga ang iniisip niya dahil noong may sinabi rin siyang nagpagulo sa akin, matagal akong hindi nakabisita.

Umiling ako. "H-hindi naman," tugon ko.

Tipid siyang tumango, hindi pa rin nakatingin sa akin. "Gusto sana kitang ayain sa sayawan bukas sa Sentro." Bahagya akong nagulat. Napansin niya rin naman iyon dahil nag-iba siya ng puwesto at mas lumapit.

Ngumisi ako. "Sayawan? Sige, pupunta ako."

Tila nabunutan siya ng tinik dahil umangat ang gilid ng labi at pabirong kumunot ang noo para pagtakpan ang tuwa.

"Susunduin kita. Bandang hapon."

Ilang saglit pa kaming nanatili roon bago ako nag-ayang bumalik na. Marahil nainip na roon si Aurelius lalo na't walang kasama.

May kalayuan ang pwesto nila ng kaniyang mga kaibigan sa amin kaya hindi siya nakita ni Aurelius na kasama ako. Hindi niya rin naman siguro natatandaan si Pacifico dahil ilang linggo na ang nakalipas buhat noong ginamot ako nito.

Bago umalis ay nagpaalam muna kami kay Mang Ruben. Natanaw ko pang tumayo sa kanilang lamesa si Pacifico at sinubukang daluhan kami pero umiling ako kaya hindi siya natuloy. Tanaw niya pa rin naman kami.

"Aalis na ako, Ceres. Hindi ako makabibisita bukas kaya matagal tayong hindi magkikita," si Aurelius na malungkot ang ngiti.

Tumango ako at tinapik na lamang ang kaniyang balikat. "Mag-ingat ka sa pag-uwi." Lumapit siya at maingat akong niyakap. Ngumiti na lamang ako.

Hindi ako patas sa kaniya. Sa kaniya ako itinakdang ikasal ngunit may nararamdaman ako para sa iba. Tiyak na magagalit si Papá kapag nalaman niya ito.

Ngunit wala rin namang pagtingin sa akin si Aurelius dahil kapwa lamang kaming walang kaalam-alam sa kasunduan nina Heneral Arnulfo at Papá. Kaya naisip kong matutulungan niya ako sa pagkukumbinse sa kanila na itigil na ito.

Nadatnan kong abala sa pakikipag-usap si Mamá kasama ang mga mangangasiwa para sa kasal. Nang matanaw nila ako, kaniya-kaniya sila ng tayo at bati sa akin.

Tipid akong ngumiti at tumungo. "Aakyat po muna ako," saad ko.

Napadaan ako sa silid ni Kuya Cesar at nakitang may siwang sa kaniyang pinto. Sumilip ako roon. Nang hindi siya nakita, nilakihan ko ang bukas.

Napangiti agad ako pagkakita sa kaniyang hindi mapakali sa pag-aayos. Mukhang aalis siya at may mahalagang lakad.

Tahimik ko siyang nilapitan. Hindi niya pa rin ako napapansin dahil masyadong tutok sa salamin.

Humalukipkip ako at pinigilan ang tawa sa kaniyang itsura. Magkasalubong ang kaniyang mga kilay at isang linya ang labi. Halos mabali niya na rin ang suklay dahil sa higpit ng pagkakahawak niya rito.

Tumukhim ako kaya bahagyang nanlaki ang mga mata niya at napaigtad. Hindi ko napigilan ang pagsilay ng ngisi sa aking labi.

"Ano ang problema ng bugnutin kong kapatid?"

Nag-igting ang kaniyang panga at inihagis ang suklay sa kaniyang kama. Umiling-iling siya at inis na ginulo ang buhok.

Sumulyap siya sa akin. "Maaari mo ba akong tulungan, Ceres?"

Worlds Between UsWhere stories live. Discover now