Kabanata 17

390 20 2
                                        

Kabanata 17: Kalayaan

Hindi na rin kami nagtagal sa labas at napagpasyahan nang magpahinga. Wala pa rin sa sarili, hinatid ko si Kuya Cesar papunta sa kaniyang silid.

"Ano ang plano mo ngayon, Kuya?" tanong ko sa kaniya.

"Akin nang hiningi ang tulong ng mga Adevar upang mapabilis ang pag-resolba sa kaso. Kakausapin ko bukas si Pitoy upang mahingi ang salaysay niya," tugon niya, ang mga mata'y walang liwanang ngunit naglalagablab ang matinding galit doon.

Bahagya akong nakaramdam ng pagkabahala. Sa tono ng kaniyang pagsasalita ay maririnig ng kahit sinuman ang kaniyang pagkamuhi. Sa aking palagay, ang balak niyang paghihiganti ay hindi magiging madali.

Bumuntong-hininga ako. "Huwag mo sanang hayaan ang galit na bulagin ka sa katotohanan. Manatali kang tapat sa iyong sarili, Kuya Cesar."

Nag-iwas siya ng tingin. "Malalim na ang gabi. Ikaw ay matulog na," tikhim niya.

Hanggang sa pagtulog, hindi ako nilubayan ng pagkabahala sa aking puso. Ayokong gumising na naman sa isang umagang kinukubli ng gabi ngunit hindi na siguro iyon maiiwasan dahil itinadhana nang masaksihan ko iyon sa buhay na ito.

"Iyan ba talaga ang iyong nais, Ceres?" si Mamá habang pinagmamasdan akong suot ang napili kong traje de boda.

Hapit iyon sa aking makurbang katawan at hindi gaanong komplikado ang disenyo. Iyon ang pinakaunang nakakuha ng aking atensiyon ngunit tila tutol dito si Mamá.

"Ang traje de boda rin pong iyan ay sinuot ng isang mayamang dalaga rito sa ating lalawigan mahigit isang daang taon na ang nakararaan ngunit hindi natuloy ang kasal niya."

Humarap ako kay Mamá na may hindi maipaliwanag na ekspresyon sa mukha matapos madinig ang kwento. "Ito lamang ang susuotin ko, Mamá. Wala nang iba pa."

"Kung iyan talaga ang iyong nais..." si Mamá na sa wakas ay sumuko na sa pagkumbinsi sa aking pumili ng iba.

Tinulungan ako ni Marita na hubadin iyon. Pagkatapos makapagsukat ay nagtungo ako sa hacienda ng mga Arsenio sapagkat inimbitahan ako ni Senyora Carolina sa kanilang tanghalian. Si Mamá naman ay umuwi na upang tignan ang kalagayan ni Elena na may sakit.

Sinalubong ako ng ginang at iginiya sa kanilang hapag. Naroon na ang magkakapatid na Arsenio. Magiliw na bumeso sa akin si Sinai at ako ay tinabihan. Ang walang pakialam na si Felipe ay bagot kaming tinignan.

"Sana ay magustuhan mo ang aking inihanda, Ceres," si Senyora Carolina na may munting ngiti sa labi.

"Salamat po sa pag-anyaya ninyo sa akin."

Habang kumakain ay tinatanong ako ng ginang tungkol sa napili kong traje de boda. Masikap naman akong tumutugon at kinamusta rin ang kanilang pamimili ni Aurelius.

"Naku! Natagalan kami, hija. Maraming pinagpilian itong si Aurelius, pursigidong mapaibig ka."

Humagikgik ang nanunuyang ginang samantalang napasimangot ang anak niyang kanina pa ako pinagmamasdan.

Mapayapa namang natapos ang tanghalian. Sa hardin, naiwan kami ni Aurelius. Walang sinuman ang nagsasalita lalo pa't sa nangyari kahapon.

"Marahil napagod ka mula sa pagsusukat hanggang sa pagkulit sa iyo ni Mamá. Kung iyong nanaisin ay maaari na kitang ihatid sa inyo upang makapag-siyesta ka na," alok niya sa akin.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa at agad na pumayag. Ayokong mapilita siyang kausapin ako dahil may sama pa ako ng loob dahil sa sinabi niya. Mabuti na lamang siguro na hayaan niya muna akong mapag-isa upang makapag-isip nang maayos.

Worlds Between UsWhere stories live. Discover now