CHAPTER 9
(revised)Buong umaga ay walang ginawa ang mga professors kung hindi ang magturo at magbigay ng gawain. Ngayon, napagtanto ko na itong subject na Science ay binubuo ng ilang lessons. Sa palasyo, magkakahiwalay kong pinag-aaralan ang tungkol sa environment, biology, laws, at kung ano-ano pa. Dito, nasa iisang libro lang ang lahat ng lesson na naaayon sa year level!
Ilang oras pa lang simula nang makalabas ako sa palasyo ay may ilan na rin akong natututunan na rito ko lang nalaman. Ang problema lang ay ang takbo ng mga nangyayari rito. Magulo at komplikado.
Kung aalalahanin ko ang nangyari kanina, I swear, I've embarrassed myself more and more. The dumbest thing that I did today ay ang nangyari kanina habang nagklaklase sa Mathematics.
I can't blame myself for not knowing what to do, and I'm still trying to keep up with their level. A while ago, naglabas ako ng papel kagaya ng ginawa ng mga kaklase ko at naghanap ng panulat pero wala. Knowing me, I'm not familiar with some stuffs these people have. I feel like a caveman who just came out of my cave to, you know, take walks, go out of my safe zone, and do adventures.
That's why I asked Cenon about what I'm looking for. When I asked him if he had ink and a quill with him, he laughed at me, saying that I was strange and all, and then explained na wala siya ng hinahanap ko, only a pen. Napapikit na lang ako habang mabagal na ibinabaling ang ulo ko sa unahan. Nakakahiyang isipin na ganito ang nangyayari. Aside from that, wala namang nagpaliwanag sa akin kung ano at para saan 'tong mga dala kong gamit!
Natigil ako sa pag-alala nang may tumikhim sa harapan ko. "Kanina pang nag-ring ang bell, Mess. Hindi ka pa ba kakain?" Sabi ni Cenon at itinuro ang pinto. "Alam mo, bago ka pa lang dito, nakakapag-alala nang iwanam ka. Sadya na siguro talagang hindi ka pwedeng iwang mag-isa." Aniya at natawa.
"Pasensya, bago lang kasi talaga ito sa akin." Tumungin lang ako sa desk ko para umiwas ng tingin sa kanya at nakagat ang pang-ibabang labi.
"Matanong nga kita, Mess....." Napatingin ako sa kanya at tumaas ang isang kilay. "Saan ka ba nanggaling?" Tanong niya. Nagulat namang nanlaki pa ang mata ko. Sa lahat ng tanong na pwede niyang itanong ay 'yon pang tanong na ayaw kong itanong sa akin. "Joke lang, you look flusttered na agad. Ano ang canteen?" Natatawa niyang sabi at binago ang tanong.
"Canteen?" Ulit ko. I fake a smile to hide my nervousness. "Can... Teen.... Lata at teenager?" Hindi ko siguradong sagot at napaisip din. Ano bang klaseng tanong 'yon?
Natatawa siya at napahilamos sa mukha sa kanyang narinig. "That's the proof," sabi niya at itinuro ako. Nagulat naman akong napatingin sa kamay niya. Anong gagawin ko? "Now miss weirdo, sumunod ka lang sa akin at makakarating tayo sa canteen na sinasabi ko." Diniinan niya pa ang pagkakasabi ng salitang 'canteen' at hinila ako patayo at palabas sa room.
"Saglit lang." Nahihirapan kong sabi dahil sinakbit ko pa ang bag ko sa aking balikat.
BINABASA MO ANG
Royal Trilogy 1: Royal in Disguise
RomancePrincess Messina Elizabeth Royale has always been interested by the outside world, particularly the idea of attending a real school. However, as a member of the royal family of the Great Place of Royale, her education had only been provided by priva...