XIV

660 25 1
                                    

CHAPTER 14
(revised)


Napuno ng ingay ang buong paligid dahil sa biglang pangyayari. Ang ilan sa mga nakakita ay tila nagtatanong kung ano ang nangyari at iniisip kung anong naging sanhi sa pagsisimula ng gulo. Sila na siguro ang tinutukoy na tsismoso at tsismosa.







Napapakiramdaman ko nang ang lahat halos ay nakatingin sa aming gawi at nakikiusyoso sa away nanagaganap subalit hindi ko naman maialis ang tingin sa babaeng hindi nagdalawang isip na manakit sa akin.
"Yesha!" Galit na tonong tawag ni Cenon.






"Get your hands off me, ano ba! Simula noong dumating 'yang babaeng 'yan dito, you stopped looking at me, na
parang wala na ako Cenon! I'm always here to make you happy. Why can't you look only at me?" Nagpupumiglas niyang sigaw at pilit na abutin ang kahit na anong parte sa akin.






"Hindi ka mabait! Kailan ba lumambot 'yang puso mo, eh, tarantado ka!" Sabi niya at bigla pang tumawa. Tawang nakakaloka na animo'y nababaliw na. "Ginayuma ka ba niya? Tell me, Cenon! Or she seduced you like what any other girls do?" Sigaw niya pa at nanlilisik ang matang tumingin sa akin.





"Matutuwa ako kung palabas lang ang lahat ng ipinapakita mo sa babaeng 'yan para maloko mo siya. Or maybe, she's the one deceiving you!" Bulyaw pa ulit ni Yesha at nagpupumiglas hanggang sa maabot niya ang kwelyo ko at hilahin palapit sa kanya.






"I said don't touch me!" Hindi siya magpatinag at hindi inalis ang mahigpit niyang hawak sa kwelyo ko. "Bakit ka umiiyak bitch!? Ang kapal din ng mukha mo, eh no?" Sinampal niya ako nang napakalakas at dahil doon ay tumilapon ang suot kong salaman. "Dahil totoo ang mga sinasabi ko? What a great pretender you are!" Salubong na salubong ang kilay niya kaya hindi ko na napigilang humagulhol sa kanyang harapan.








Patuloy ang pag-agos ng luha ko sa sobrang sakit at takot na nararamdaman ko. Hindi ko pa ito nararanasan sa buong buhay ko! Never in my life have I ever been treated this way. And the humiliation I'm feeling right now pains me even more.






Mom.... save me!









"Stop it, Yesha! Stop making a scene!" Nagbago ang tono ng pananalita ni Cenon. May halong inis, galit, at hindi mapaliwanag na paraan ng pagsasalita. Para bang may itinatago.





"Shut up, Cenon! Hindi mo alam ang nararamdaman ko kaya wag kang makealam!" Bulyaw pa ni Yesha at sinampal palayo ang kamay ni Cenon.






"No, you shut up!" Napatigil si Yesha at bumaling kay Cenon na nagtaas na ng boses dahil sa galit. "If you're going to hurt her. Then hurt me instead." Marahas na tinanggal ni Cenon ang kamay ni Yesha sa kweylo ko bago siya itinulak papalayo sa akin.





"Because of that girl?" Sigaw niya. Tumakbo pa siya sa gawi ko para hilahin ang buhok ko at sabunutan. Hindi ako tinuruan na lumaban ng pisikal, kaya pinipilit kong pigilan ang pagsabunot niya para mabawasan ang sakit.





Binalewala niya lang ang mga sinabi ni Cenon at parang salita lang ito na sa hangin lang mananatili. Walang epekto kumpara sa laki ng inggit at galit na nararamdaman niya sa akin.






Nang dahil sa akin.






May ilan nang nanonood ang lumapit at umaawat, pati si Cenon ay pilit kaming pinaghihiwalay. Please make it stop! Make it stop already! Nasasaktan na ako...




Nagmakaawa akong humiling na may dumating dito at awatin ang gulong ito. Hindi ko na kaya. "Anong nangyayari rito?" Nahawi ang daan at isang lalaki ang biglang dumating. Mayroon pa siyafng dalang stick at masama ang tingin sa amin ngayon. Pinagmasdan niya lahat ng estudyanteng nanonood bago kami tingnan at analisahin ang sitwasyon. "Ikaw na naman Yesha Rosenberg! Nagsimula ka na naman ng gulo? Detention room, now!" Ma-awtoridad niyang utos.






Royal Trilogy 1: Royal in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon