CHAPTER 46
"Merry Christmas!" bati sa akin ni mom.
"Merry Christmas mom!" pagkasabi ko niyon ay humalik ako sa pisngi niya.
Hindi kasama si Raver dito dahil maingay at gabi na kaya nakatulog na agad siya but we made it sure na mai-celebrate namin ang Chirstmas na kasama siya bago siya matulog.
Nandito kami ngayon sa garden na kadugtong ng hall na inayos ni Myline. Maraming lights na nakapalibot sa lugar kaya hindi madilim dito sa garden.
Maganda ang panahon ngayon kaya we're enjoying the night under the night sky na maraming stars.
"Merry Christmas kuya Primoz!" niyakap ko siya bago bigyan ng halik "You too Myline!" ganoon din ang ginawa ko sa kanya.
"Merry Christmas Everyone!" naglalakad na sabi na dad papunta sa aming gawi kaya binati namin siya. "I'm very surprised na ganito kaganda ang kalalabasan ng Christmas Eve natin. You did great Myline!" puri niya kay Myline kaya nginitian namin siya.
"Thank you!" pagpapasalamat niya.
Bago magsimula ang sayawan at bigayan ng regalo ay kumain muna kaming lahat at napagkwentuhan ang mga bagay bagay tungkol sa school, sa kasal ni kuya at kabataan namin.
"About March," nagulat ako nang banggitin ni dad ang pangalan na iyon.
Napaayos ako ng upo at kinabahan bigla sa kung ano ang sunod na sasabihin niya.
"That young man is not around? Saan kaya naglusot ang isang iyon?" dagdag ni dad kaya napabuga ako ng hangin.
"Baka busy lang with Hanny." sagot ni mom kay dad. Hindi ko kilala ang binanggit niyang pangalan.
"Yung isang yun talaga, wala nang ginawa kundi mag out of the country." umiiling iling na sabi ni dad.
Pinakinggan ko lang silang magusap usap habang kumakain kami.
Habang sila dad at mom ay nagkakasiyahan sa gitna at nakikipag usap sa ibang bisita ay ako naman ay kanina pang naghihintay kung tatawag ba si Zeke sa akin.
"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni kuya kaya tingnan ko siya at tumango.
"Hindi pa siya tumatawag?" tanong niya ulit at nagbaba ng spoon at fork.
"Hindi pa rin." sagot ko sa kanya.
Kwinekwento ko kasi kay kuya Primoz lahat ng mga bagay bagay at nabanggit ko sa kanya ang tungkol sa pagtawag sa akin ni Zeke ngayong Christmas kaso wala pa rin.
"Mamaya mo na isipin 'yan. We're here to enjoy Christmas at isa pa, mas marami na tayong matatanggap ng gifts kesa noon." masayang sabi ni kuya Primoz
I smiled a little saka sumangayon sa sinabi niya.
Nagsimula ang pagpapalitan ng regalo namin at napuno agad ang table ni mom at dad. Sa amin namang magkapatid ay kalahati pa lang at may iba naman na humahabol.
"Princess," bati ni Mr. Charles sa akin at iniabot ang regalo niya. Nagpasalamat naman ako.
"Mr. Charles! Merry Christmas?" masayang sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Royal Trilogy 1: Royal in Disguise
Любовные романыPrincess Messina Elizabeth Royale has always been interested by the outside world, particularly the idea of attending a real school. However, as a member of the royal family of the Great Place of Royale, her education had only been provided by priva...