CHAPTER 4
(revised)
"First, you need to hide your identity and that we have given you a name as your background profile." Sinimulang basahin ni dad ang laman ng folder na hawak niya at ipinaliwanag iyon.
"Name?" Iniabot sa akin ni mom ang folder at binuklat ko naman iyon at tiningnan ang nakalagay. "Elizabeth Brual." Basa ko sa nakasulat. What? "Sa dinami-rami ng apelyidong maaari niyong ipalit, Brual pa?" Nakanguso kong sabi at tumingin sa kanilang dalawa.
"Mas malapit 'yan sa mismong apelyido mo at apelyido 'yan ng mom mo bago ako pakasalan." Paliwanag ni dad at nagkatinginan pa silang dalawa ni mom bago ako tinawanan.
"Don't get me wrong ha, pero bakit 'di niyo agad sinabi na Brual pala ang apelyido ni mom?" Inis kong tanong at tinaasan sila ng kilay. "Nagtanong ka ba?" Pambabara ni dad sa akin.
Aba't ang lakas naman nito! Namimilosopo pa? Behold! My dad being a pilosopo, the greatest philosopher.
"Hindi.." Napakamot na lang ako sa ulo. Wala naman akong laban kasi tama naman siya. "Hindi naman pala eh." Nginisian ako ni dad at nang-aasar akong tiningnan.
"Anyway, 'yon lang ba ang kondisyon?" Balik ko sa pinag-uusapan namin.
"Hindi lang iyon, may ilan ka pang dapat sundin. Hindi maaaring lumabas ka ng palasyo na ganyan kaganda." Sabi niya at naningkit ang mata. See, walang sinungaling sa pamilya namin at ganoon na lang makapagsabi si dad na maganda ako kasi totoo naman.
"Dad naman, napakaliit na bagay niyan!" Ngumiti ako at kumindat-kindat pa. "Sus, huwag ako! Pasalamat ka at nagmana ka sa mom mo." Hinampas siya ni mom kaya nagharutan na silang dalawa at sa harapan pa naming dalawa ni Raver.
I cleared my throat na halatang nagpaparinig sabay higop ng tsaa. Umubo si dad at nagseryoso ulit."Kailangan mong magsuot ng salamin," sabi niya na ikinakunot ng noo ko. "That is why, we won't be treating your eyes for the mean time." Sabi niya at ngumiti sa akin na para bang sinasabing he made the right decision.
"What? Ang hassle naman dad! Hindi mo naman siguro pinapahirapan ang maganda mong anak?" Nagmamakaawa ang mata kong sabi sa kanya.
"Ayaw mo ba? Kasi hindi na kita pahihintulutang makapasok sa tunay na school." May halong pananakit sa kanyang sinabi sabay ngisi. "I'm just kidding." Ngumuso na lang ako at sumandal.
BINABASA MO ANG
Royal Trilogy 1: Royal in Disguise
RomancePrincess Messina Elizabeth Royale has always been interested by the outside world, particularly the idea of attending a real school. However, as a member of the royal family of the Great Place of Royale, her education had only been provided by priva...