CHAPTER 12
(revised)Natapos ang sabado't linggo ng normal, kung saan ang ibig sabihin ng normal ay maraming bagay na kailangang ayusin at pagtuonan ng pansin. Ganoon talaga ang takbo ng buhay rito sa palasyo. Ang normal sa akin ay hindi normal para sa mga taong nabubuhay sa labas, at wala akong magagawa sa bagay na iyon.
Wala naman akong masyadong ginawa noong kaarawan ng hari kung hindi ang kumain at magpahangin sa labas ng grand hall. Iyon ang oras na habang ang lahat ay abala sa pagsasaya, ako naman ay nakatingala lang sa ilalim ng madilim na kalangitan.
Pangalawang linggo na ngayon ng pagpasok ko at naglalakad na patungo sa building ng Carbery, gunit bago pa man ako tumuloy ay napansin ko ang pamilyar na tindig ng isang lalaking sa kabilang entrada ng gusali.
Nang malinawan ako sa kung sino iyon ay agad akong tumawid sa kalsada para kausapin siya sa bagay na hinahanapn ng kasagutan. Kasalukuyan siyang kinakausap ng isang lalaki at mukhang seryoso sa kanilang ginagawang diskusyon. Nang makaharap siya sa gawi ko ay mukhang nagulat siya saka pa ngumiti at kumaway sa akin kaya tumuloy na ako sa paglapit sa kanya.
"Mr. Charles? Anong ginagawa mo rito?" Bungad na tanong ko.
"Dito ako nag aaral, your maje-" Tinakpan ko ang kanyang bibig at pinanlakihan siya ng mata. "Tawagin mo 'kong Elizabeth, Mr. Charles! Hindi nila ako pwedeng makilala rito!" Pabulong kong sabi. Nagmasid pa ako sa paligid at nakahinga ng maluwag dahil walang kahit isa ang nakarinig sa sinabi niya. Tumango naman siya bilang pag-intindi sa sitwasyon ko kaya tinanggal ko na ang pagkakatakip sa bibig niya.
"Mukhang magkakilala kayong dalawa?" Sabi noong lalaking kausap ni Mr. Charles kanina. Kababalik niya lang ulit at mukhang may ilan pang pagdidiskusyonan kasama si Mr. Charles.
"We're friends, sir. I'll settle that matter later, then susunod na lang ako para ipasa 'yung papers." Sabi niya sa lalaki na hindi na nagawang tumanggi at sumang-ayon na lang.
"Sure, I'll wait in the office." Tugon niya at ngumiti pa sa akin bago magpaalam.
Tiningnan kong muli si Mr. Charles at mas lalo siyang tumangkad tingnan sa kanyang suot na uniporme. "Bakit ka nga pala nandito? Bawal lumabas sa palasyo 'di ba?" Nagtataka kong tanong,
"That rule only applies to a royal. You're a princess, and I'm not. I'm just a part of the court." Sabi niya at natawa. Malamang namang hindi siya prinsesa. He's basically saying that I'm a royal and he's not. "Ikaw, saan ka ba pupunta?" Tanong niya.
Hindi niya ba itatanong kung bakit nasa labas ako ng palasyo? "Dederetso na sana ako sa classroom, nakita lang kita." Sagot ko at itinuro ang building ko.
"I see... It's good that you're adjusting well.... but I'll excuse myself first, marami pa akong kailangang gawin." Hinawakan niya ang kamay ko at dumampi doon ng halik. "See you around, my princess." Napamaang lang ako sa ginawa niya at sinundan ng tingin ang papalayo niyang bulto.
BINABASA MO ANG
Royal Trilogy 1: Royal in Disguise
RomancePrincess Messina Elizabeth Royale has always been interested by the outside world, particularly the idea of attending a real school. However, as a member of the royal family of the Great Place of Royale, her education had only been provided by priva...