CHAPTER 55
Sila ba yung dalawang babaeng naguusap sa washroom kaninang umaga?Imposible namang alam nila na gagawa ako ng ganito dahil ngayon ko lang din naman nalaman na may ganitong gagawin.
Hindi sila iyon! They acted on their own. Kung sino man ang dalawang iyon, I hope na hindi ako kasali.
"Kung ayaw niyo ng gulo, pwede bang umalis na lang kayo?" lakas loob kong sabi.
Hindi naman ako mag eeskandalo, gusto ko lang malaman kung matatakot sila sa akin kahit mukhang hindi naman.
"Oh please, sanay na kami sa gulo kaya we're not afraid." maarteng sabi ni Yesha at nag-flip ng hair.
Kinuha niya yung isang brush na naka lublob sa bucket at iwinasiwas sa akin.
Ako naman ay napapapikit dahil tumatalsik ang pintura sa may mukha.
"Let's go Crys!" tumalikod sila sa akin at maarteng nagtawanan.
Tiningnan ko ang aking napinturahan at may talsik na rin iyon ng pintura.
Nangilid ang luha sa mata ko pero pinunasan ko na agad at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
Inayos ko rin ang kinalat nila at nagmadaling tinapos ang pagpipintura.
Nahirapan akong ayusin yung ibinubo nilang pintura dahil marami iyon at mapupunit ang cartolina pag pinatungan ko iyon kaya ginawan ko ng paraan na maayos yung kaliwang parte ng painting.
After almost 3 hours na nandito ako sa field ay hinihintay ko na lang na matuyo ang ginawa ko. Hindi ko naman pwedeng iwan dahil baka bumalik na naman yung dalawa at dumihan ulit ito.
"Ayos ka lang Eli?" may umupo sa tabihan ko kaya tiningnan ko siya.
"Ayos lang ako," tugon ko kay Cerca.
"Ang dungis ng suot mo pati mukha." naglabas siya ng panyo tapos ay binasa ng tubig at pinunasan ang mukha ko.
Ako naman ay napapikit sa ginagawa niya.
"Ang pula ng mukha mo." sabi niya sa akin.
"Sensitive." maikli kong sagot.
Sensitive ang balat ko sa chemicals kaya namumula ito kapag na expose ng matagal.
Wala kasi akong pamunas kaya hindi ko na napunasan at ang aking focus ay nasa aking ginagawa.
Nagkwentuhan lang kami saglit hanggang sa may tumawag sa kanya.
"Cerca," pareho kaming lumingon. Alam ko na agad kung kaninong boses iyon. It was Zeke's.
"Oh Eze!" tumayo si Cerca at lumapit kay Zeke.
Nagkatinginan kami ni Zeke saka ko inilihis ang tingin ko.
I don't want him to worry.
"Let's go." aya ni Zeke kaya tumango si Cerca saka nagpaalam sa akin.
Itinuon ko ang paningin ko sa aking ginawa hanggang sumulpot ang mga kaklase ko.
"Elizabeth lang, sapat na!" sabi ng isa kong kaklaseng si Jay tapos naghiyawan naman yung kasama niya.
Mga baliw talaga.
"Tapos ka na agad? Ang bilis naman!" si Kris naman yung nagtanong sa akin kaya tumango ako
"Tingnan mo bro, talo yung pang-kinder mong gawa " tapos nagtawanan ulit sila. Loko talaga 'tong si Ren na pinagmamasdan yung ginawa ko
"Hayop ka talaga." binatukan naman siya ni Kris.
Tinawanan ko sila. Medyo bad mood ako at nalulungkot tapos puro kalokohan ang sinasabi nila.
"Anong nangyari diyan sa mukha mo?" lapit ni Kuya. Kasama siya sa pumunta dito. Hinawakan niya mukha ko at kumunot ang noo.
"Wala naman!" iniwas ko ang tingin sa kanya at pinaglalaruan ang daliri sa kamay ko.
Tiningnan niya yung ginawa ko saka mulin tumingin sa akin.
"Wag mo akong lokohin, it's not like you." turo niya sa kaliwang parte ng cartolina kung saan ay binubuan ni Crystal at Yesha ng pintura.
"Bakit naman?" nagtatakang tanong ni Jay at tiningnan ng maigi yung painting.
Tapos kinalabit yung dalawa pa para pagmasdan iyon.
Tapos tumango tango silang tumingin sa akin.
Napansin na siguro nilang marumi ang aking damit at namunulang balat.
"Kami nang tatlo ang bahala dito, kami na rin ang magdadala sa room, balik muna kayo roon." sabi ni Ren at nakipag bulungan sa dalawa.
Hinila na ako ni kuya. Papasok sa building namin.
"Who did that?" naglalakad kami ngayon habang tinatanong niya ako. Paniguradong ang tinutukoy niya ay yung gawa nnoong dalawa.
Tiningnan ko siya ng palihim at nakakunot ang noo niyang nakatingin sa unahan.
"Wala naman." sabi ko.
"Come on Messina, may cctv sa field! Makikita rin iyon kapag gusto ko kaya sabihin mo na." inis niyang sabi.
"Yesha and Crystal." sagot ko sa kanya kaya umuna siya at tinapatan ako.
"Look what they did to you. Hindi ko 'yon palalagpasin, malamang!" heto na naman siya sa pagiging over protective.
Bumuntong hininga na lang ako at muling tumungin sa kanya.
"It's fine kuya, mawawala rin ito" I rest him assured para hindi niya na pagtuonan ng pansin.
"Jino-joke lang ata tayo ni Elizabeth! Nandito na agad siya oh." bungad ni Sherman noong makabalik kami "Tapos na agad?"
"Ako pa ba?" niyabangan ko siya kaya nanlaki ang mata niya at ngumiwi.
"Psh! Osige, tapos na raw itong diwata ng section A! Uwian na!" sigaw ni Sherman kaya nagligpit na sila ng gamit at itutuloy na lang daw bukas.
Inayos ko na ang gamit ko at nagpaalam na sa kanila.
Gusto ko nang umuwi at magpahinga, nakakaubos ng energy magpinta kaya kailangan ko nang umuwi.
"Sakay na." sabi ni kuya at binuksan ang pinto ng kotse.
Pumasok naman ako at sununod siya.
"City muna tayo." sabi niya kay kuya.
I looked at him confused. Bakit naman kami pupunta sa city?
"Bibili lang tayo ng milktea." simpleng sabi niya at sumandal.
Milktea, yun bang popular milktea na may bilog bilog ang tinutukoy niya? I also want to try that.
Ako naman ay hindi na sumagot hanggang sa makarating kami ng city at bumili si kuya ng milktea.
"Oh" abot niya sa akin ng isang malaking cup a may nakatusok na straw.
"Masarap ba 'to?" tanong ko habang hinahalo halo yung nasa loob.
"Kung ako sa'yo ay titikman ko na at tatahimik." galit pa rin siya? Ngumuso akong sumandal at humigop sa milktea na ibinigay niya.
Pati ang driver namin ay binilhan niya ng inumin.
Sinandal ko na ang ulo ko sa may bintana dahil sa sobrang antok. Hindi ko pa man din nauubos ang laman ay pumikit na ako.
Ilang sandali ay nagulat ako dahil kinuha ni kuya ang milktea sa kamay ko saka inilipat ang hilig ng ulo ko sa balikat niya.
Ako naman ay pumikit na lang ulit at nakatulog na sa kanyang balikat.
........
BINABASA MO ANG
Royal Trilogy 1: Royal in Disguise
RomancePrincess Messina Elizabeth Royale has always been interested by the outside world, particularly the idea of attending a real school. However, as a member of the royal family of the Great Place of Royale, her education had only been provided by priva...