XX

589 22 2
                                    

CHAPTER 20
(revised)





Bakit naman niya nasabing mapaglarong lalaki si Cenon? Mabait naman niya akong pinakikisamahan, lagi pa siyang nag-aala sa akin sa tuwing napapansin niyang may problema ako. Siya nga lang ang palagi kong kasama rito sa school, sasabihan pa ng masama.






"Ito 'yung spare kong uniform, magkaiba nga lang ang haba ng paldang meron ako." Sabi niya at nag-abot sa akin ng paper bag galing sa locker niya. Maikli kasi ang palda nila, remember? Ako lang talaga ang may mahabang palda sa lahat.







Nakasaad kasi sa batas ng palasyo na bawal lumagpas hanggang tuhod ang suot na kahit na anong damit naming mga babaeng maharlika unless, lagpas na kami sa edad na twenty.






"Salamat. Ito na lang sigurong blouse ang hihiramin ko." Nahihiya kong sabi, ibinalik ang palda sa kanya at blouse lang ang itinira.






"'Wag ka nang mahiya Eli. Nabasa rin ang palda mo 'di ba? And it's uncomfortable to walk around with wet skirt, kaya 'wag ka nang mag-inarte." Sabi niya, itinulak ako sa ladies washroom, pinapasok sa cubicle, at hindi pinalabas hanggat hindi ako nagpapalit ng palda.






Pinagmasdan ko nang mabuti ang palda at napangiwi sa ikli nito. Wala na bang mas hahaba rito? Napabuntong hininga na lang ako at ibinaba ang dalawang kamay. Wala naman akong ibang pagpipilian kundi ang suotin ito. Patutuyoin ko na lang siguro ang palda ko at magpapalit na lang ulit mamayang hapon bago umuwi.







Lumabas ako sa cubicle at pilit na hinihigit pababa ang palda bago tumingin kay Chloe na napamaang lang sa akin. "Wow! Ganyan kaganda ang shape ng katawan mo and nahihiya ka pa sa itsura na 'yan? Ang ganda mo Eli! You look great sa ganyang uniform, hindi katulad ng mahaba mong palda at malaking blusa." Puri niya sa akin.







Ano pa bang magagawa ko? Hindi ko naman pwedeng sabihin na hindi maaring magsuot ng ganitong palda ang isang tulad ko dahil... prinsesa ako.






Nang maayos ko ang damit ay hinila na ako palabas ni Chloe sa washroom para bumalik sa room. Pansin pa sa kanyang mukha na proud na proud siya sa nangyayari.









'Uy boy! Diba si idol 'yon? Ang sexy!'






'Ang hot pare!'








'Bumagay sa kanya 'yung damit. Nakakainggit tuloy!'







'Wala ba talaga siyang lahi?'







Lahing maharlika lang kaya ganon. Hanggang sa makarating kami sa room ay naririnig ang bulungan ng mga nakakakita sa akin. Hindi ko man pagtuonan ng pansin, mababakas pa rin sa akin ang pagkailang.







"Asan si ma'am?" Tanong ni Chloe. "Umalis na si ma'am. May meeting daw ang lahat ng teachers ngayon." Sagot ng isa sa mga kaklase naming lalaki habang ang paningin ay nakatutok sa akin. Halos lahat naman ay ganoon ang reaksyon nang makita ako kaya nailang akong ngumiti.






"Oy, Oy! Stop staring already!" Inis na sabi ni Cenon at hinarangan ako nang makalapit siya.







"Si Eli ba 'yan? Ang ganda mo girl ha... in fairness!" Saad ni Sherman at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. "Nagising ang pagkalalaki ko." Sabi niya. Nagulat namam ako dahil biglang lumalim ang boses niya. Binatukan  naman siya ni Chloe. "Aba girl, nakakailan ka na ha!" Taas kilay na sabi ni Sherman bago ulit ako lingonin. "Pero joke lang 'yon girl. Ang pretty mo." Nakangiti niyang sabi.






Royal Trilogy 1: Royal in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon