Chapter 45

449 16 0
                                    

CHAPTER 45

"Your majesty, your majesty! Kailangan mo nang gumising!" nagising ako dahil boses at pagyugyog sa akin ni Hazel. Papikit pikit pa ako habang tinitingnan siya at ihinarang ang kamay ko sa sinag ng liwanag.

"Maaga pa Hazel." ungot ko at nagtalukbong ng kumot para matulog ulit.

"11:00 am na princess!" sabi niya sabay hila sa kumot ko at kasabay niyon ang bigla kong pagbangon.

"Ano?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya "Bakit 'di mo ako ginising?" nagmadali akong bumangon at pumasok sa shower para maligo.

"Sorry princess. Ginigising kita kanina pero ayaw mong gumising." rinig kong paluwanag niya sa labas. Bumuntong hininga na lang ako.

Natapos akong mag-shower at pagkalabas ko ay inayusan agad ako ni Hazel. Balik sa normal ang buhay ko ngayong walang pasok. Tamang suot lang ng magarbong gown at tinernohan ng maraming arelyos.

Naglalagay na lang ako ng pabango nang biglang may kumatok sa pinto at pumasok ang kapatid kong nay saltik.

Yumuko si Hazel saka tumunghay at iniligpit ang gamit sa ibabaw ng table.

"Kamusta ang pagpupuyat kagabi?" natatawang tanong niya sa akin.

"Kagigising ko lang. Kinalikot ko yung phone buong gabi at alam ko na kung paano gamitin." sagot ko sa kanya at lumakad papunta sa harap ng makaking salamin para tingnan ang sarili.

"Ngayon mo lang naasikaso 'yon? Weak mo naman." pagmamayabang ni kuya poerket tinuturuan siya ni Myline.

"Duh! Anong akala mo sa akin, walang ginagawa dito sa palasyo? Humabol pa ako sa piano lessons ko kay Fern!" umuna na ako palabas ng aking silid at sumunod naman siya.

"Sad, sabi ko naman kasing i-cancel mo muna." pagdadahilan niya. Buong holiday siyang vacant kasi wala naman talaga siya gagawin kaya inirapan ko siya.

"Nasaan nga pala si Myline?" tanong ko dahil hindi siya kasama ni kuya ngayon.

"She's organizing the event for Christmas Eve." deretsahang sagot niya sa akin kaya tumango ako.

Habang naglalakad kami sa hallway ay nakasalubong namin si Raver at ang kanyang nanny.

"Your highnesses," yumuko siya sa harapan namin kaya tumango kami at ngumiti.

"Ate!" tawag sa akin ni Raver at tatakbo sa akin para yumakap.

Lumuhod naman ako para tapatan siya at binigyan ng halik sa pisngi kaya humagikhik siya.

Ang cute talaga! Mana sa akin!

"Paano naman ako?" lumuhod din si kuya Primoz kaya tinaasan ko siya ng kilay.

Tinitigan naman siya ni Raver na parang inaanalisa kung sino ang nasa harap niya haabng nakayakap sa akin.

"Panget!" sabi ni Raver sabay yakap kay kuya.

Ako naman ay humagalpak ng tawa dahil sa sinabi Raver. Proud akong sinabi niya iyon dahil ako ang nagturo sa kanya.

Binatukan naman ako ni kuya kaya sinamaan ko siya ng tingin bago muling tumawa.

Royal Trilogy 1: Royal in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon