CHAPTER 11
(revised)
Araw-araw ay Nagigising na ako ng maaga kahit na hindi pa hudyat ng paggising. Dahil nakasanayan ko na, bumangon na ako para hintayin si Myline na makarating dito sa silid.
"Your majesty, bakit ang aga mong magising?" Kunot noo niyang tanong nang makita niya akong gising pagpasok niya rito sa silid.
"May pasok ako 'di ba?" Balik na tanong ko sa kanya. Bumuntong hininga siya at ibinaba ang kanyang mga dala-dala.
"Princess, wala kang pasok ngayon at bukas. You don't have classes tuwing weekends It's your rest day." Paliwanag niya at pilit akong pinaupo sa kama.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalaan ko sabay nanlulumong humiga sa kama at nagtalukbong ng kumot. "Bakit hindi niyo agad sinabi sa akin?" Nanghihinayang kong sabi.
"I thought alam mo na 'yon? Double check your schedule late. Sa ngayon, kailangan mo pang matulog." Natatawa niyang sabi at mukhang nag-aayos ng gamit dahil sa ingay ng mga cabinet at drawers na inubuksan niya. Hindi na lang ako umimik sa kanya at mariing ipinikit ang aking mga mata.
May tournament si Cenon ngayon at hindi ko man lang 'yon mapapanood. Bakit ba ako nalulungkot na hindi ko siya makikita? Nababaliw na ako.
"Matulog ka na lang muna ulit, Eli." Rinig ko pang sabi ni Myline kaya hinayaan ko na lang ang sariling makatulog ulit.
Nagising ako nang maramdaman ko na ang pagdampi ng sinag ng araw sa balat ko kaya nagmulat na ako ng mata at nag-unat bago tuluyang bumangon.
"How's your rest?" Lumingon ako sa kaliwang side ng silid at doon ay nakita ko si mom.
"Mom. Why are you here? Tanong ko. Nakaupo siya sa upuan habang nagbabasa ng libro. "I'm doing good. Nawala ang pagod ko sa linggong nagdaan." Sagot ko sa kanina niyang tanong at bumalik muli sa paghiga dahil sa pagkabagot kong nararamdaman.
"Good to hear." Isinara na niya ang librong binabasa at tumayo. Mukhang may problema? "Bakit ka nga pala bumisita rito mom?" Tanong ko sa kanya kaya tumingin din siya sa akin.
"Have you forgotten? Today is your father's birthday!" Aligaga niyang sabi sa akin. "Ngayon ko lang naalala, sigurado akong 'pag hindi siya nakatanggap ng regalo mula sa atin ay magtatampo 'yon!" Naghihisterya niyang sabi at nagpabalik-balik ulit ng lakad.
Naaliga rin ako sa sinabi niya, nakalimutan ko rin ang tungkol sa selebrasyong mangyayari. Ngayon na pala 'yon! "Calm down, mom! Just calm down." Pagpapakalma ko sa kanya. Ngayon lang namin nakalimutan ang birthday ni dad. Si mom naman ay ngayon ko lang ulit nakitang naaligaga.
Masyado siguro kaming naging abala sa pag-aasikaso sa aking pagpasok, at ngayon na abala na rin ako sa school, hindi ko na namalayan ang tungkol sa kaarawan ni dad.
Natigilan kaming dalawa ni mom dahil sa pagpasok ni Myline, at nakasunod sa likuran niya si Hebe. "Your majesties, pinapatawag ang prinsesa sa opisina ng hari."
"Okay Hebe, tell dad I'm on my way. Mom, I'll distract dad, so go find a way to make a present." Sabi ko sa kanya.
"Thank you sweetie!" Ramdam kong nawala ang tensyong nararamdaman ni mom kaya pinasama ko si Myline sa kanya para makahanap ng paraan na makakita ng ireregalo kay dad.
BINABASA MO ANG
Royal Trilogy 1: Royal in Disguise
Любовные романыPrincess Messina Elizabeth Royale has always been interested by the outside world, particularly the idea of attending a real school. However, as a member of the royal family of the Great Place of Royale, her education had only been provided by priva...