Chapter 47

426 18 0
                                    

Chapter 47


Nandito ako ngayon sa garden kung saan nakataning ang mga rare flower ni lola.

Wala akong gagawin ngayong araw so I decided na tingnan ang lugar na ito at i-check ang mga bulaklak.

"Princess, ako na po ang magtatanggal niyan. Hindi po kayo maaaring masugatan." sabi ng gardener na si mang Kulas.

"Ako na po, wala naman akong gagawin ngayon eh." pagpupumilit ko at pinagpatuloy ang pagpuputol ng thorns ng rosas.

Malapit na ang New Year at naging abala ang lahat dahil sa panibagong taon na kanilang patatakbuhin. Kuya Primoz is helping dad with the papers, para matutunan niya na ang pag handle sa posisyon ni dad in case na magka problema.

Speaking of posisyon! I am totally free from the responsibility dahil si kuya ang tagapagmana ng trono. Which means, pwede akong mag kolehiyo!?

Nakangiti ako habang nagpapatuloy sa pagputol.

"Your majesty," yumuko sa gilid ko ang tagapagbalita ni dad."Pinapatawag ka ni prince Primoz sa opisina ng hari." kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero agad ko namang ibinalik sa normal ang itsura ko.

"Sige Hebe. I'll be on my way." pagkonpirma ko sa kanya kaya tumungo na siya at umalis.

Tinapos ko muna ang ginagawa ko rito bago ibinalik kay mang kulas ang pang putol.

Nang makapaglinis ako ng kamay ay tinungo ko na agad ang daan papunta sa office ni dad.

"Greetings," bati ko agad pagpasok.

"Ayos ba?" masayang tanong ni kuya.

"Not really. You interrupted me." kaswal kong sagot sa kanya at umupo sa sofa. "Where's dad?"

"He left with mom. Baka nag-date ang dalawa." sagot niya at inayos ang papeles sa table ni dad.

"Bakit nga pala ako pinatawag?" takang tanong ko sa kanya.

"Tumawag na ba ulit iyang kasintahan mo?"  tanong niya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Pinapunta mo ako rito just to ask that?" sinamaan ko siya ng tingin.

And yes. After niyang tumawag sa akin noong Christmas ay hindi na siya muling nagparamdam. 2 days na rin iyon at makakalimutan ko na sana kung hindi lang nagtanong itong kapatid ko.

"I'm just asking," he rolled is eyes bago tumayo "Tara na sa dining area. Lunch is already served."

Siya ang unang naglakad papalabas at ako naman ay sumunod lang sa kanya.

Pati siya ay hindi rin hilig ang may nakasunod sa kanyang tagabantay. Kaya nagmumukha kaming magkambal dahil sa parehas kami ng inaasta.

Tinitigan ko siya habang naglalakad siya at nakikita ko sa paglakad niya ang postura ng isang prinsipe. Matangkad, ang buhok niya ay malinis ang pagkakaayos, maputi at ganoon pa rin ang amoy ng pabangong gamit niya.

Nakarating kami sa dining area at naroon na si Raver kasama ang nanny niya. Bumati ang mga tao sa amin kaya nginitian namin sila. Kami naman ay umupo na at kumain na rin.

Royal Trilogy 1: Royal in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon