Chapter 24

542 19 1
                                    

CHAPTER 24

"My princess."

Pag angat ko ng tingin, si Mr Charles agad ang nakita ko.

"Mr. Charles!" gulat kong tawag sa kanya. Hinahaplos haplos ko pa yung ulo ko para ayusin ang nagulo kong buhok.

"Who are you running from?" tanong niya sa akin.

"No one. Get me out of here." nilingon ko yung daan tinakbuhan ko kanina saka nagpakawala ng hangin. Mukhang hindi na nila ako nasundan

"Let's go somewhere else." kinuha niya ang kamay ko pero hindi ako nagpadala.

"Where?"

"Sa labas ng school."

Sa labas ng school!? Ano namang gagawin ko sa labas? I'll get to see what it really looks like outside the school other than houses ang big buildings!?

Pwede naman kaso.

"Baka nandyan na ang sundo ko" may halong kaba sa boses ko.

"Don't worry, hindi alam ni King Henry na maaga ang labas mo ngayon. Consider this helping." pagpapaliwanag niya sa akin. Kaya naman lumiwanag ang mata ko. May bago na naman akong mapupuntahan!

"Really! Tara na bilis" ako naman ang humila sa kanya dahil sa excitement. Hindi ako nagkamaling bitbitin na ang bag ko.

Sa bilis ng pangyayari ay nakalimutan ko nang may tinatakbuhan akong dalawang tao. Hindi pa ako handang makipagusap sa kanila.

Ayos na siguro 'to.

"Saan ba ang punta natin?"

"Sa parking lot muna tayo, gagamitin natin ang kotse ko."

Tumango ako sa sinabi niya at naglakad na kami papuntang parking lot.

"Get in." sabi niya. Hintayin ko raw kasi siyang makuha ang kotse niya kaya naghintay lang ako at ngayon ay pinapapasok niya na ako.

Binuksan ko na yung pinto sa may likod.

"Dito ka sa unahan." pahabol niya pa

"Bakit naman Mr. Charles?" sanay akong sa likod sumasakay kaya hindi niya ako masisisi sa bagay na iyon ata bilin sa akin ni mom na sa likod lang ako laging pwe-pwesto.

"You don't need to be formal with me, wala tayo sa palasyo." Pumasok na ako at naupo sa shotgun seat "call me Tharen."

"You mean Tharen Charles?"pagbuo ko sa pangalan niya. Ang disente pala naman ng pangalan niya eh. Nakakagwapo na rin.

Nagmaneho na siya kaya hindi niya na ako kayang lingonin pero tumango siya bilang sagot.

"Saan ba tayo pupunta?" kanina ko pa 'tong tinatanong, hindi naman ako sinasagot nito.

"Mall." simpleng sagot niya.

"Mall?"

"Sa mall tayo pupunta."

"Ano bang meron doon.ñ? Hindi pa kasi ako nakakapunta doon."

Ang atensyon ko ay nasa labas ng bintana ay pinagmamasdan ang dinaraanan ng sasakyan.

May malalaking building na mas mataas pa sa palasyo, may iba't ibang klase ng mga sasakyang dumaraan at mayroong sumasabay sa amin, may mga tindahan na iba't iba ang tinitinda at maraming taong naglalakad

"Oh. Bakit tayo tumigil?" nagtaka ako kasi tumigil kami.

"traffic." sagot niya

Eto pala yung sinasabi nilang traffic.

Royal Trilogy 1: Royal in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon