Chapter 26
"
Are you ready sweetie?" tanong sa'kin ni mom habang inaayos ang suot ko.
I'm wearing a yellowish gown with lots of gold bids in pattern.
Nangingintab ang suot ko. Hindi kaya, makakaagaw ako ng atensiyon nito? Ang isinuot na petticoat kasi ay medyo magarbo. Iniisip ko tuloy kung makakaupo ba ako ng ayos mamaya.
Sa kabilang banda naman ay inaayusan ako ni Myline ng buhok. May inilagay pa siya sa buhok ko na parang sanga na may gintong bulaklak saka nilagyan ng hairpin para hindi malaglag.
Siguro ay substitute ito sa korona. Hindi kasi maaaring magsuot ng gown kung hindi susuotin ang korona. Nasa batas ng palasyo iyon.
Sa paraang iyon ay ginawa naman akong diwata ng daldawang ito.
Mamayang 6 p.m ay magsisimula na ang costume party sa ESU pero itong dalawang ito, kanina pang 4 akong inaayusan. Hindi sila makapagdecide kung anong itsura ang gustong gawin sa akin.
Hindi pa ako nakakarating sa party, mapapagod agad ako sa sobrang tagal nila.
"Mom. Myline, you can stop now. Ayos na ang itsura ko."
Dahil costume party ngayon ay binigyan ay nila ako ng pagkakataong gamutin ang mata ko para hindi raw ako magsuot ng salamin.
Maarte talaga si mom pagdating sa susuoting damit kahit hindi naman halata sa itsura niya ay nasa galaw niya iyon.
Sa sobrang excited niya, pwede namang siya na lang ang pumunta. Mas gugustuhin kong manatili rito sa palasyo kesa mapunta sa crowded place na iyon lalo na't umiiwas pa rin ako sa dalawang mokong na iyon.
"We're done!" pumalakpak pa si mom at kitang kita sa kanyang mukha ang tuwa. Si Myline naman ay nakangiti sa akin.
"Ang ganda mo your majesty." sabi niya sa akin. At inaayos ang dulo ng buhok ko.
"Thank you pero kailangan pa ba 'to? Masyado namang ma-garbo." itinaas ko ang kamay ko at umikot sa harap ng salamin. Maganda yung ayos. No room for denying.
"You, look perfect. I'm sure na they'll turn their heads on your direction upon seeing how beautiful you are sweetie." mom giggled.
"Of course Queen Elijah, Princess Elizabeth is a head turner since she was born." nagsama ang dalawa. Kailan pa sila naging mag-close?
Nagtawanan pa sila. Ako naman ay nakangiwing umiling.
They are hopeless.
"O siya tara na, kanina pang pumatak ang alas sais."
"What?" 'di ko makapaniwalang sabi.
Nahilot ko ang sentido ko at naglakad na. "Ganon niyo na pala ako katagal na inaayusan, at nasabi ko na rin na 6 p.m ang start ng party, hindi ang alis.""It's fine. Sanay na ka na namang pinapakilala rito. Anong oras matatapos ang party niyo mamaya para masundo ka ng driver?" binago niya pa ang pinaguusapan namin para maiwas sa topic na 'yon.
"Walang sinabi sa amin kung anong oras matatapos as long as we are having fun daw sabi ni Mr.
Helffrich."Dama kong wala nang sumusunod na yabag sa akin kaya nilingon ko si mom. Bakit siya tumigil
"Is there a problem?"
"No sweetie I'm fine, ingat ka doon. Tell me that you will be alright there." hinawakan ni mom ang dalawa kong kamay at deretsong nakatingin sa mga mata ko.
"It's fine mom, don't worry. Aalis na ako."
Yumakap muna ako sa kanya bago sumakay sa kotse.
Bakas sa mukha ni mom ang pag aalala. Kanina ang saya niya, bakit nag iba ang kanyang akto?
Nang nakalabas kami sa gate ay itinuon ko na lang sa daan ang paningin ko.
Nakarating kami sa school at tumigil sa harapan ng gymnasium. Doon kasi ginaganap ngayon ang party ang thanks to Myline and Mom, late na akong makakarating.
"We've arrived your highness" sabi ng driver
"Thank you!" nagpasalamat muna ako sa kanya bago bumaba
Wala nang tao sa labas!? Nakasarado na ang pinto at ang nakabantay ay tanging isang guwardiya.
"Your name and section miss?" may lumapit sa akin ang bantay sa pinto.
"Elizabeth Brual, room 101-A"
Bumukas ang pinto at nauna siya.
"Miss Elizabeth Brual from Class 101-A"
I forgot! Kaya nga pala gusto kong pumasok ng maaga para hindi ganito ang mangyaring entrance.
Bumuntong hininga na lang ako sa pagka dismaya.
Pumasok na ako sa loob at lahat ng tao ay nakatingin sa akin.
'She's gorgeous bro.'
'Si idol nga yan. Grabe, ang ganda niya talaga!'
'Girl, talo yung suot natin! Mukhang mamahalin yung damit.'
'Oo nga! Tunay na diyamante ata ang nakalagay sa damit niya.'
Kung may magaganda akong narinig ay ganon din ang masasamang sinabi ngunit hindi ko na pinansin at nilibot sa gym ang paningin ko.
Hindi ako nabigo at nakita kong papalapit sa akin sina Sherman at Chloe.
"Girl! Pak na pak yung suot natin ah. Saan ang debut?" si Sherman. Nakasuot ng vampire costume.
"Nahiya ako so suot mo bakla, hindi ka mukhang bampira, mukha kang paniki!" asik ni Chloe kay Sherman.
"Grabe siya, hindi ko nga rin alam kung fairy ba yang costume mo o pang manananggal" tumawa pa si Sherman sa kaniyang sinabi.
"Tama na 'yan." awat ko sa kanila "it was my mom's idea kaya ganito ang suot ko." pagpapaliwanag ko.
"Ay taray, saan mo ba nakuha yang mga palamuti sa suot mo, nasisilaw ang mata ko. Totoo ba 'yan" may pag harang pa sa mata si Sherman habang pinagmamasdan yung mga bids.
"Kinda," umangat ang balikat ko. Well, it's normal sa aming pamilya, ganon talaga kamahal ang suot namin araw araw.
"Ordinaryong bids lang yan bakla, ginto lang ang kulay. Nako Elizabeth, akala namin ay hindi ka a-attend eh tapos nagulat kami kasi huli kang pumasok, mukha pang grande yung pagpasok mo! Kinabog mo si Yesha." kwento ni Chloe sa akin. Nandito rin pala si Yesha.
Luminga linga ako at dumako ang paningin ko sa isang babae na matalim ang tingin sa akin, nakakunot ang noo at nakapamewang.
Nakasuot siya ng costume ng succubus. Sa sobrang daring ay malapit na makita ang pribadong parte ng katawan niya.
Agad naman akong umiwas at ibinalik ang tingin kay Chloe at Sherman
"Tara na nga sa table, naroon din si Cenon at Henderson, pati na rin si Cerca, Carmen at and ka-duo mong si Ezekiel" pagyaya sa akin ni Chloe
"Bakit naman sila nandoon?" nagtaka ako. By section kasi ang arrangement ng table
"Pshh, alam mo naman yung iba nating kaklase, gusto ay kasama ang barkada at jowa kaya napunta sila sa atin."
"Ayaw mo ba non girl? Maraming fafa!" nauna na siyang maglakad kaya sumunod na lang kami.
Umiling iling na lang ako. Kung ano mang mangyari ngayon. It will be alright.
Pero pakiramdam ko ay hindi
......
BINABASA MO ANG
Royal Trilogy 1: Royal in Disguise
RomancePrincess Messina Elizabeth Royale has always been interested by the outside world, particularly the idea of attending a real school. However, as a member of the royal family of the Great Place of Royale, her education had only been provided by priva...