CHAPTER 36
"Kayo ang napili naming mag-re-representa ng school natin kaya you guys needs to practice your aiming skills." pagpapaliwanag ni coach.
Buong linggo ang preparation para sa sports fest and this is our third day.
"Naituro na namin sa inyo ang tamang pag handle ng balantok at palaso at paanong pwersa ang gamit sa bawat anggulo." dugtong niya sa sinasabi niya.
Hindi ko naman pinakikinggan ang mga sinasabi ni coach sa akin at basta lang din naman ako gumalaw. Si kuya Primoz nga ay sa kawalan lang nakatingin.
"Brual siblings!" ang atensyon namin ay nabaling sa kanya "Se know na kayong dalawa ang may talento dito but please respect what i'm saying."
"Yes coach!" sabay naming sabi.
Siniko ko si kuya Primoz "Para ka kasing ewan na nakatingala sa langit." bulong ko sa kanya.
"Aba! Malay ko bang nakatulala ka lang din diyan!" bwelta niya sa'kin pero nagbubulungan lang talaga kami.
"Now go to your positions." yun ang huli naming narinig at tumungo na ako sa pwesto ko. May pag dila pang nalalaman ang kapatid ko. Sa susunod ay iisipin ko nang ako ang mas matanda sa amin.
"Hey!" nilingon ko ang tumawag sa akin. Si March, nakangiting lumalapit sa akin.
"Do you need anything?" Tanong ko sa kanya.
"Nothing. I just want to check if you're okay " sabi niya sa akin at ngumiti. Hindi pa ako nagsisimula pero okay agad.
"I'm good. Practice lang ako." tinalikuran ko na siya at itinuon ang pansin sa aking pamana.
Nasa canteen na kami ngayon at si March nasa table rin naman. Bakit 'to nandito?
"Order lang ako. Pakibantayan nga itong kapatid ko." habilin ni kuya Primoz kay March.
Wala namang maglalakas ng loob na gumawa ng pambubulas sa akin ngayon kung may kasama ako.
Alam na rin namang pag ako ang bumili ay babalik ako sa table na ako na yung pagkain.
Paano ba naman ay itinatapon sa akin lahat ng pagkain kaya mukhang masarap din ako.
Tumango lang si March pero nagtataka kung bakit kailangan niya akong bantayan.
"Bakit kailangan mo ng bantay?" tanong sa akin ni March habang nakahalumbaba.
"Long story short, tumingin ka sa paligid mo." tiningnan naman niya at tumatango-tangon bumalik sa akin ng tingin.
"Sikat ka? Lahat kasi ng babae nakatingin sa'yo. Baka inggit?" he's guessing. Hindi niya pa yung halata.
"Right and wrong. Right kasi inggit sila and wrong dahil hindi ako sikat sa paningin nila."
"Oh, bullies. Sorry, 'di ko agad napansin."
"It's okay, isang buwan ko nang nararanasan."
"Really? I'll accompany you if you want?" ngumiti siya sa akin.
"Hindi na kailangan. Baka mamaya habulin ka rin ng babae, madagdagan pa ang problema ko."
Mahirap na.
Mahirap nang magtiwala pag mali yung ginawa sa'yo nung taong pinagkatiwalaan mo.
Tinuring ko pa man ding malapit na kaibigan tapos may balak lang sa akin.
"Hey, ayos ka lang ba?" tanong niya ulit sa akin.
BINABASA MO ANG
Royal Trilogy 1: Royal in Disguise
RomancePrincess Messina Elizabeth Royale has always been interested by the outside world, particularly the idea of attending a real school. However, as a member of the royal family of the Great Place of Royale, her education had only been provided by priva...