CHAPTER 5
(revised)
Seeing how things are progressing right now, I wonder what it is like outside of the palace and what does it look like seeing the outside. How do people live out there? "Let us all welcome, Princess Messina Elizabeth Royale!" Rinig kong pagpapakilala ng palace host sa akin.
Bumukas ang pinto at palakpakan agad ng mga bisita ang narinig ko. Ang mga tingin ay sumalubong at hindi inalis sa akin. They are all officials of the palace at ilan sa mayroong noble title or nakagawa ng good deeds before. Sila lang ang imbitado dahil sila lang din ang nakakakilala sa mga anak ng hari at reyna.
Bago ako magpatuloy sa paghakbang ay yumukod muna ako bago marahang bumaba sa hagdan. Sinalubong naman ako ng hari at reyna at inabutan ng isang glass ng wine. "Let's make a toast for the princess!" Sabi ni dad at itinaas ang kanyang glass at sumunod naman kami sa kanya.
Sabay-sabay naming itinaas ang aming mga wine glass bago uminom at doon ay hudyat na simula na ang kasiyahan.
Habang nagsasaya ang karamihan sa mga bisita ay narito lang ako sa balcony at nakatingin sa kalangitan. Gawain ko na 'to na kahit kasisimula pa lang ng kahit anong pagdiriwang ay lumalayo na agad ako sa ingay.
"Why are you here out cold?" Napalingon ako sa nagsalita at nagtama ang aming paningin. Ngumiti naman siya at lumapit sa akin. Isa sa mga hukom ng palasyo at nasa edad na twenty. "Mr Charles, a pleasant evening!" Bati ko at siya naman ay yumukod bago tumabi sa akin.
"Hindi kita nakita sa loob kaya naisip kong nandito ka." Sabi niya at ang paningin ay nasa kalayuan.
"As usual," I let out a small laugh before facing him. "By the way, have you read my report? I really want to know kung maayos 'yung ginawa ko." Curious kong tanong kaya napatingin siya sa akin.
"It was beyond perfect." Nakangiti niyang sabi at humigop ng wine. "Talaga?" Abot tenga akong napangiti sa kanyang sinabi.
"That's just my opinion, princess. We don't know what others think of it, but I am sure that there's no negative answer." Sabi niya pa na ikinagaan ng kalooban ko.
"I hope so... Bakit mo nga pala naisipang um-attend ngayon?" Umupo ako sa isa sa mga upuan dito sa balcony at tinuloy ang pakikipagkwentuhan sa kanya.
"I will not miss any of the celebration lalo na kung tungkol sa'yo," napatulala ako sa kanyang sinabi. "And I won't miss this chance to talk to you." Ngumiti ulit siya sa akin, rason kaya bumilis ang tibok ng puso ko. Ngumiti lang naman siya pero iba ang naging epekto.
BINABASA MO ANG
Royal Trilogy 1: Royal in Disguise
Storie d'amorePrincess Messina Elizabeth Royale has always been interested by the outside world, particularly the idea of attending a real school. However, as a member of the royal family of the Great Place of Royale, her education had only been provided by priva...