Chapter 35

480 18 0
                                    

CHAPTER 35



"Hi, I'm March." isang lalaki ang nagpakilala sa amin.

Inilahad niya ang kamay niya sa akin at ako naman ay tiningnan lang iyon.

"Henderson," pag kuha ni kuya sa kamay ni March "And Elizabeth." turo niya sa akin kaya tumango lang ako at ngumiti.

"Member ako ng archery club pero hindi na ako pwedeng lumaban dahil sa Nationals na ako lumalaban."

May nagtanong ba sa kanya? Tumango na lang ako. Mukha kasing lunalapit para magpa-pogi.

"We're here for trials, if you excuse us." pormal kong sabi at hinila na si kuya Primoz para lagpasan siya

"I can help you if you want." humabol siya sa akin at nginitian ako.

"I think hindi na kailangan. I know how to playm" sagot ko sa kanya.

Hindi na siya nakaimik ng biglang nagsalita ang adviser ng archery club.

Saved!

"All students from the same year level, please fall in line." sabi ng adviser na nasa gitna ngayon

Kami naman ay sumunod sa kanya at pumila sa linya ng fourth year

"Good morning. I'm coach Luis. Each year level will have a trial at kukuha kami ng apat na pares na napili namin para ilaban sa sports fest" pagpapaliwanag ng adviser " we will start after five minutes, that's all. Understood!?"

"Yes coach!" sabay sabay kaming sumigaw.

Naghiwa-hiwalay na muli ang mga lalahok at nagkwentuhan na naman. Ang ilan naman ay nag e-ensayo na pero mukhang petiks pa rin.

"Hey," si March na naman "Sungit mo naman Elizabeth. Tinutulungan lang naman kita para makapasok ka."

"No need March. Baka ako pa ang magturo sa iyo." umangat naman ang kilay niya at natawa pa sa sinabi ko.

"You're so full of yourself. I like you." ang bilis ha. Kaso hindi ikaw yung hanap ko.

"I think, hayaan mo na lang. Seryoso yan ngayon, pinilit ko kasi." singit ni kuya Primoz kaya tiningnan ko siya at siya naman ay parehas na nakatamas ang kamay sa akin.

"Elizabeth! Wag mo nga akong tingnan diyan. Mapanghusga!" ako pa raw ang nanghusga, tiningnan ko lang naman siya. Nilingon kong muli si March pero nakatitig lang siya sa akin.

"Why are you looking at me?" walang emosyong nakatingin ako sa kanya. Ang lakas ng attitude ko ngayon ah!

"Nothing. You have the same hair color and same features." tukoy niya sa akin at kay kuya Primoz

"Siblings." hindi ko alam kung bakit ang tipid ko magsalita ngayon. Nahawa na siguro ako kay Zeke.

"Oh," tumango tango pa siya " twins?" pahabol niya pa.

"Mas matanda siya sa akin ng isang taon."

"Ah," yun lang ang isinagot niya.

Royal Trilogy 1: Royal in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon