I

3.9K 54 0
                                    

CHAPTER 1
the beginning
(revised)


August, 3045



"Do you understand what I'm saying just now, your highness? Are you even listening?" Maarteng turan sa akin ni Miss Marianne. She is my 37th professor so far. Hindi kasi ako ang pumipili kundi sina mom and dad which is the current King and Queen.



Every saturday, nagkakaroon ng ebalwasyon tungkol sa lahat ng natutunan from the professors, at hangga't hindi tumataas ang gradong kailangang makuha, magbabago at papalitan sila. Cruel, right?



"Yes miss! But, isn't it too late to do that?" Mahinahon kong tanong sa kanya. Kasalukuyan naming pinag-uusapan ang tungkol sa gagawin kong ulat para sa kasaysayan ng royal family. "Well yeah, but it is sort of a review for you for the upcoming evaluation." Paliwanag niya.



"Okay, fine." I sighed knowing that it would be a lot of work as usual.



Nang mapansin kong nag-aayos na ng gamit si Miss Marianne ay nagsimula na rin akong patasin ang mga dala kong libro at nauna nang nilisan ang silid. Sa ilang minuto na paglalakad ay sumaglit ang tingin ko sa hall at doon ay napansin ko ang oras kaya agad na nanlaki ang mga mata ko. 


Gano'n katagal akong nanatili sa klase? I've lost track of time! Lagot ako nito kay dad, it's already time for the tea party!



Every afternoon at exactly three kasi ay ipinagdaraos ng pamilya namin ang tea party. Iyon na ang nakagawian at hindi maaaring mayroong hindi dumalo.



Agad naman akong nagmadali at tumungo sa library para ibalik sa librarian ang mga librong kinuha ko kaninang umaga. Hindi rin nagtagal at dumeretso na ako sa aking silid para mag-ayos ng sarili.



Life in the palace really is different. It takes a lot of time to prepare. The clothes, heels, jewelry, and even makeup, should be picked and done wisely. Right now, I don't have much time left to do those things kaya hindi ko namalayang tumatakbo na ako.



Really, Elizabeth? You're violating one of the palace rules. Hindi naman siguro masamang tumakbo, 'di ba? While wearing heels!



"Stop right there, your highness! No running in the hallway," humarang sa aking dinaraanan ang isa sa mga taga-bantay rito sa palasyo. "Ano na lang ang magagawa namin kung bigla kang magkaroon ng kahit maliit na galos?" He's right, masyadong strikto ang hari at reyna when it comes to my safety kaya hindi ako maaaring magpatakbo-takbo na lang.

Royal Trilogy 1: Royal in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon