CHAPTER 34
December, 3045
Natapos ang buwan ng nobyembre at masasabi kong napakagulo. Naghilom na rin ang sugat ko sa kamay kaya hindi na ako nagsusuot ng jacket.
Cenon is still convincing me na maging kanya. And wala akong balak magpaangkin sa katulad niya kaya ayun, ginugulo na ako ng kanyang mga alipin.
"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni kuya Primoz.
"Yeah, hindi ko lang alam kung anong paggagamitan nito." hawak ko ang laptop at phone na ipinangako ni dad sa akin.
"Same. Hindi ko rin akalain na bibigyan ako ni dad."
Nasa kotse kami and we are in our way to ESU.
"Hindi ko naman alam ang pagagamitan nito. I prefer books to get information."
"Dad told us na it's for communication. They can call us para magtanong kung okay lang tayo." yeah I know, but how? My classmates always asks me kung bakit wala raw akong social media account.
"There are different apps in this phone at hindi ko alam kung anong gagawin sa mga iyon." sagot ko sa kaniya.
"Magpatulong na lang tayo sa kaklase natin."
"It's fine kung 15 days na lang pasok natin. May 3 days Sports Fest pa bago mag Christmas Party. I can learn how to use this sa vacation."
"May sasalihan ka na ba Messina?" nilingon ko siya dahil sa tanong na iyon. Nagbago ang topic namin.
"I don't think na sasali ako since it's a 'sport'. Alam nating hindi ko kayang i-engage sa ganyan ang katawan ko."
We are pertaining to the upcoming sports fest. Lalaban ang school namin sa iba pang school.
"May sport naman na hindi ka mapapagod ng sobra. Sali tayo sa archery!" tiningnan ko siya and he seems excited. Bumuga naman ako ng hangin bago siya tugunan.
"Fine. I know na gusto mo lang ako makitang gumamit niyon." inirapan ko siya kaya natawa siya sa akin.
Gaya nga ng sabi niyang he's been watching. Alam niya rin kung ano ang ginagawa ko sa palasyo.
I used to play archery and golf with the members of the palace at naging libangan ko iyon. Ngayon ay hindi na masyado dahil itinuon ko ang pansin sa piano lessons ko.
Nakarating kami school only to see those judging eyes of every girls.
Here we go again.
I've experienced hell the whole november. Pagkatapos ba naman noong araw na ni-reject ni kuya si Cenon ay sinugod na ako ng mga babae niya.
Saglit lang na mawala ang paningin ni kuya Primoz sa akin ay bubuhusan na nila ako ng juice, tatabigin ang pagkain ko. Lalagyan ng bubble gum ang buhok ko, tatakirin at sasabunutan. Sinusulatan din nila ang desk ko na para bang binibigyan ako ng death threats.
Die bitch! Go to hell! Such a whore!
Ang nangunguna sa kanila. Si Yesha at Crystal, yung babaeng nilublob ang mukha ko sa sink. Nakalimutan ko na sana iyon. Hindi na sila lumulusob personally lalo na't bantay sarado na sila kay Mr. Anglican.
The most memorable one sa nangyaring pambubulas nila is noong hinagisan nila ako ng itlog at binagsakan ng harina sabay kanta ng happy birthday. It's quite the celebration kaya nakikanta ako.
And worst is yung muntikan na akong malunod sa pool dahil sa pagtulak ng mga haliparot ni Cenon, buti na lang ay nailigtas ako ni Zeke, my savior.
"Make sure na kahit isang dipa ay hindi ko mawawala sa paningin ko."
Nakababa na kami at yun ang laging ibinibilin ni kuya Primoz sa akin. Lagi kasi siyang nagugulat na makita akong sabog everytime na bumabalik siya.
"I'm fine, I'm starting to like it here" tinaasan niya ako ng kilay .
Sarkastiko ako okay. 'di niya lang gets.
"Oh really? Umuuwi ka namang umiiyak." panlalait niya sa akin kaya sumama ang tingin ko sa kanya saka ulit ngumisi.
"Heh, I will have my revenge on them. Not now, but soon."
"Ang tanong ay kung paano?" sa paraan ng pagtatanong niya ay nainis ako
"Tara na nga sa room."
"Buong december na tayong walang klase Messina, bakit pa tayo pupunta doon?"
"Osige, wala na rin akong balak na sumali sa archery." tinalikuran ko siya at pupunta na sa kung saan
"Tara na!" hinila niya na ako papunta sa room at naabutan namin si maam na nag pa-pa-fillup ng form ng may gustong sumali.
"Oh nandyan na pala kayo. May gusto ba kayong salihan na sports?"
"Archery miss." sabi agad ni kuya Primoz kaya natuwa ang adviser namin.
"Tamang tama, wala pang may gustong sumali," inabutan niya kami ng form at ainulat naman namin ang aming pangalan "Kayo ang magiging representative ng klase naten kaya gagalingan niyo sa trial."
"Yes miss." sabay naming sabi. Hindi pa rin siguro matanggap ni ma'am na tawagin namin siyang miss. Yun kasi ang lagi naming tawag sa mga prof namin sa palasyo.
Lumabas na kami ng room at tinungo ang daan kung saan naglalagi ang archery member.
Kaya lang naman nahanap ng sasali sa archery ang archery club ay puro graduating sila. Kailangan nilang humanap per year level kaya naisipan ni kuya na sumali kami.
"Rinig mo 'yon kuya Primoz, may trial pa. Since gusto mo lang naman ako makitang maglaro ng harapan, sa trial na lang pero hindi ko gagalingan."
"What!?" baling niya sa akin. Nawala ang excitement sa mukha na "Psh. Edi balewala lang ang pagsali natin!"
"Edi ikaw ang maglaro, pro-problemahin ko pa ba iyan?"
"Pag 'di ka sumali, sasabihin ko kay mom at dad ang mga nangyayari sa iyo."
Binalingan ko siya mg may masamang tingin.
"Don't you dare, Henderson!" singhal ko sa kanya
"Oh, I'm scared." may pag hawak pa siya sa pisngi niya na parang natatakot. Para siyang ewan.
"Fine, then I'll call you Henderson" nag martsa na ako palayo sa kanya at pumasok sa sclub ng archery
"Aba't hoy! Messina, gusto mo na atang paglamayan ka?"
Nakahabol siya sa akin pero di ko siya pinansin.
Ewan ko sa kanya, masyado siya nagpa-pa-cute, abusado naman!
"Excuse, representative rin ba kayo?" may isang lalaking lumapit sa amin.
"Yes." tipid kong sagot.
"Sumunod kayo sa akin." pumasok kami sa loob pero lumabas din agad sa kabilang pinto kung saan makikita ang ilang nag-pra-practice sa pagtama ng pana sa target.
Napakalapit naman niyon para sumala pa sila?
"Ano, naiinis ka na agad? Relax Messina, hindi natin sila katulad."
Hinilot hilot pa niya ang ulo ko na ikinainis ko ulit.Bwebweltahan ko na sana ng hampas kaso may sumingit.
"Hi, I'm March. Nice meeting you!"
..........
BINABASA MO ANG
Royal Trilogy 1: Royal in Disguise
RomancePrincess Messina Elizabeth Royale has always been interested by the outside world, particularly the idea of attending a real school. However, as a member of the royal family of the Great Place of Royale, her education had only been provided by priva...