XVIII

620 24 0
                                    

Chapter 18
(revised)




Kasalukuyan kaming naririto sa gymnasium, kung saan gaganapin ang welcoming event para sa pinakahihintay na bisita ng university. Kaming mga myembro ng Music Ministry ay nakapwesto ngayon sa unahang bahagi ng gymnasion malapit sa entablado, kasama ang mga myembro ng Dance Troupe na magpapakitang gilas rin sa harap ng mga estudyante sa event na ito.



"A wonderful morning to all of you, dear students! As you are all aware, our beloved university has yet to host a welcome event for our newly appointed owner and administrator." Pagbibigay introduksyon ng isang lalaking umakyat sa entablado at masayang nagbigay ng balita.





"After months of anticipation and a week of preparation, let us all welcome the owner and administrator of Enwa State University, Mr. Ezenwa Helffrich, who arrived from their journey from the States, along with his wife Stella Astiello-Helffrich, an alumni of this school. Let us give them a warm round of applause!" Sabi niya at itinuro ang gitnang entrada na biglang bumukas. Nagsitayuan kaming lahat at pumalakpak para salubungin ang bagong dating.






Batid kong ang nangunguna sa paglalakad ay walang iba kundi si Mr. Helffrich na nakangiti at kumakaway sa mga estudyanteng nanonood sa pagpasok niya. Kasabay pa sa paglalakad ang kanyang asawa na nasa kaniyang tabi na nakangiti lang. Sa likuran naman nila ay ang executives ng university na seryoso ang ipinapakitang ekspresyon sa mukha at deretso lang ang tingin sa unahan.




"Would you mind saying a few words for the opening remarks, Mr. Helffrich?" Pag-anyaya ng lalaki kay Mr. Helffrich na tumapak sa entablado at magbigay ng kaunting mensahe. Hindi naman siya tumanggi, agad na umakyat at kinuha ang mikroponong inalok ng lalaki sa kanya.





Saan ko nga ba narinig ang apelyidong Helffrich? Sigurado akong narinig ko na ang apelyidong iyon noon subalit hindi ko matandaan kung saan at kailan...


"I'll be completely honest with everyone. Right now, I'm ecstatic because of the welcoming event that everyone has planned since bago kami pumunta rito, tahimik sa labas." Masaya niyang sabi at natawa pa. "But I won't take long... I'd just like to thank everyone for making my wife and me feel welcome." Turo niya sa asawa niya kaya tumingin ako roon at ang ipinagtaka ko ay ang deretsong tingin ni Mrs. Helffrich sa gawi kung saan kami nakaupo.






"Zeke?" Tawag ko sa kanya. He lean a little para pakinggan ang sasabihin ko. "Ako lang ba ang nakakapansin o nakatingin talaga rito ang asawa ni Mr. Helffrich?" Bulong ko sa kanya. Umayos siya ng upo at seryosong tumingin sa stage.





"Don't mind her." Tugon niya kaya dismayado ko siyang tiningnan. Kahit anong imik talaga niya ay hindi nagbabago ang ekspresyon sa kanyang mukha, tapos umaabot lang ng tatlong salita ang sinasabi niya. Iniingatan niya ba ang boses niya?






"And one more thing. We will be having a Halloween costume party next month which I will formally arrange for everyone to enjoy! For now, I suppose I'll be waiting for our outstanding students to perform... That's all. Thank you, and have a pleasant morning." Pagtatapos ni Mr. Helffrich sa kanyang mensahe at bumaba na sa entablado.




Matapos ang pagbibigay ng opening remarks, nagpatuloy ang programa nang umakyat sa entablado ang isang sikat na babae sa larangan ng hosting. Walang iba kundi si Shiela Esteban na madalas kong matanaw sa billboard at pag-usapan ng mga estudyante ngayong linggong ito.



Royal Trilogy 1: Royal in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon