CHAPTER 43
Natapos ang araw na puro puri ang natanggap naming mga archery representatives sa aming paligid.Si March naman ay katabi namin ngayon sa table habang nagkakasiyahan dahil sa pagkapanalo.
"Cheers!" paunang sabi ni coach at nagtaas ng baso.
"Cheers!" sabay sabay naming sabi at nag-toast.
Juice lang naman iniinom namin pero parang nagiinom ng alak sa aming ikinikilos.
Pagkatapos ng laban ay umalis na agad ang hari at reyna kaya hindi naman kami naaligaga.
Ngayon naman ay nagkwekwenthan na kami kung ano ang ginawa namin sa field, kwentong experience habang lumalaban.
"Elizabeth," tawag sa akin ni Marj from lower year.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"May naghahanap sa'yo sa labas."
Sabi niya sabay turo sa pinto.Ako naman ay tumango at tumingin muna kay kuya na nagpapaalam saka tumayo at lumapit sa pinto.
Pagbukas ko ng pinto ay kay Zeke agad tumama ang paningin ko.
Wala siyang kasama?
"Hi," bati ko sa kanya at ngumiti.
Tumalikod siya sa akin at naglakad papalayo. Nagtaka naman ako sa ginawa niya.
"May problema ba?" habol ko sa kanya.
Huminto siya sa paglalakad sabay lingon sa akin. Hindi ko mabasa ang emosyon sa mata niya.
"Okay ka lang ba?" tanong kong muli. Hindi niya pa rin ako sinasagot. Bumaba ang tingin niya sa kamay ko.
In a split seconds, our hands intertwined saka muli umangat ang tingin sa akin.
"I just missed you." hindi ako nakaimik sa sinabi niya at pakiramdam ko ay nag init ang pisngi ko.
Basta basta na lang talaga siya nagsasabi ng ganoong mga salita na hindi ko naman ine-expect.
I composed myself at tumungin sa kanya bago ngumiti.
"Akala ko naman ay kung ano na ang nangyari sa'yo." hinampas ko siya sa braso at tumawa naman siya mahina. Akala ko ay galit pa rin dahil sa nangyari kaninang umaga.
"I just want to celebrate the moment you won, with you, alone." sabi niya sa akin.
Pagkasabi niya niyon ay hinila niya na ako. Walang sali-salitang naglakad kami ng hindi ko alam kung saan ang punta.
"Saan naman tayo pupunta, Zeke?"
"You'll see." ngumiti siya sa akin.
Pumasok kami sa gubat kaya naman natigilan ako.
"Teka nga! Bakit tayo pupunta diyan? Anong gagawin natin? Zeke! If you think I'll do it, please no." tumigil din siya sa paglalakad at kumunot ang noo.
"Silly," pinitik niya ako sa noo kaya ako naman ay napadaing saka sinamaan siya ng tingin "I want you to see something." sa ganda ng kanyang pagkakangiti ay nagpadala na lang ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Royal Trilogy 1: Royal in Disguise
RomancePrincess Messina Elizabeth Royale has always been interested by the outside world, particularly the idea of attending a real school. However, as a member of the royal family of the Great Place of Royale, her education had only been provided by priva...