Chapter 32

502 21 0
                                    

CHAPTER 32

"Congratulations to our top students. Hindi ko in-expect na lahat kayo makakuha ng mataas na marka ngayon." sabi ng adviser namin "Brual siblings, with highest honors. Please come here in front." sabay kaming tumayo ni kuya Primoz.

Ganoon ba talaga kami katalino at nakuha namin ang with highest honors. Hindi nga ako nag aaral o sadyang ganong lang kabilis magturo sa palasyo "Congratulations sa inyong dalawa. Hindi rin namin in-expect na magkapatid kayo. May gusto ba kayong sabihin para ma-motivate naman ang kaklase niyo?"

Nagkatinginan kaming dalawa. Magkaparehas na kami ng kulay ng buhok. He told me na araw araw niyang kinukulayan ang buhok niya ng itim para hindi ko raw mapansin at para hindi siya mapag usapan sa school.

Unluckily ay sikat siya dito kahit hindi ito tungkol sa buhok niya.

"Focus on your studies and as much as possible, read books." sabi ni kuya Primoz

"And be attentive." nasabi ko yun kahit ako ay hindi rin naman nakikinig. I've already learned all the lessons dito sa school at ganoon rin kay kuya Primoz. That is why he is always sleeping and not minding the subject. Saka lang siya active. Kapag P.E at Computer subject kasi hindi namin alam kung ano iyon.

Akala ko nga noong una ay Proper etiquette iyon, Physical Education pala. And it's all about sports!

Nagpalakpakan ang buong klase sa amin kaya bumalik na kami sa upuan namin.

"Goodbye class and welcome to the 3rd quarter. Goodluck!" paalam ng prof kaya kami rin ay nagpaalam sa kanya

"Hay nako ka girl!" lumapit sa akin si Sherman na nakahawak sa ulo "Iniimbyerna mo ako ha. Isang linggo kang hindi pumasok tapos magkapatid kayo ni Henderson fafa!" umupo siya upuan ni Cenon "Anong chika natin?"

"It's a long story at confidential na rin." ngumiti ako sa kanya.

tumango siya pero umimik ulit "Nawala ka na lang bigla sa party last last week. Hinanap ka namin bago kami lumabas sa gym."

Napatitig ako sa kanya. Anong sasabihin ko?

"A-ah kasi, pumunta ako ng washroom. Kaso lang ay nakarinig ako ng tatlong putok kaya tatakbo na agad ako palabas." nagdahilan na naman ako.

"Ganon ba? Akala ko kasi ay nadamay ka sa gulo. Hindi namin inakala na magagawa yun ni Mr. Helffrich! Ang bait bait pa niyon nung kinausap namin sa party."

Oo. Ako yung nasa gulo at hindi ko maituturing mabait ang demonyong iyon!

"Ganon ba? Nagkasakit kasi ako ng isang linggo. Hinika ako dahil sa pagtakbo ko" kunwaring interesado sa sinabi niya at nagdagdag ng ilan pang dahilan.

"Oh siya, siya. Mauna na kami ni Chloe sa'yo. Lunch na girl! Babush!" Tumakbo siya kay Chloe na nasa pintuan na.

"Okay ka lang?" lapit sa akin ni kuya Primoz.

"I'm fine. Ayaw ko lang na napag uusapan ang nangyari last last week." inayos ko ang note book ko at ipinasok na sa bag.

Bumuntong hininga muna ako bago ko ulit harapin si kuya Primoz.

"Lunch?" tanong niya sa akin

"May pupuntahan lang ako. Okay lang ba?" pagpapaalam ko asa kanya

"As long as you're fine." sabi niya sa akin.

"Thank you." bumaling agad ako sa pinto.

Royal Trilogy 1: Royal in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon