Chapter 41
"Bilisan niyo maglakad!" sigaw sa amin ni coach "Oh, hawakan mo itong banner natin" iniabot sa akin ni sir ang isang tali dito sa banner at sa kabila naman ay isa pang representative from lower year.
Katabi ko si kuya Primoz at hindi maisip kung anong gagawin sa suot kong jersey.
"Buti ay mamaya pang hapon manonood sina mom." sabi niya sa akin.
"Wala na tayong magagawa sa suot ko." sabi ko sa kanya at hinigit pababa ang palda nito.
Nagsimula nang lumakad ang musiko at ibang representatives ng iba't-ibang sports.
Kami naman ay nasa gitnang bahagi ng parade at lahat ay may bitbit na balantok at palaso.
"Wag mong kalilimutang ngumiti Elizabeth!" paalala ni coach Luis sa akin kaya naman ngumiti ako pilit at timango.
Ang mga kasamahan kong representatives ng archery ay nakatingin na rin sa akin at ang ilang lalaki sa unahan ay ganoon rin.
Nakakailang siyang tingnan kasi hindi na ako makagalaw ng ayos at ilang kibo lang ay makikita na ang panty ko!
Hindi ko naman inaakalang ganito ang susuotin ko! Wala tuloy akong cycling.
Natapos ang parada na may palakpakan at hiyawan sa paligid at hudyat na magsisimula na ang palaro.
Sumalubong sa aming pagbalik ay ilan sa mga kaklase namin ni kuya, music club members at hindi ko kilalang mga tao.
"Dyosa namin 'yan!" sigaw nina Chloe at Sherman. Nahiya man ako sa ginawa nilang pagsigaw ay natawa na rin ako.
"Pak ka girl!? Kinis ng legs natin ah! Saan ka nagpa-derma?" kumukembot kembot na lakad ni Sherman palapit sa akin.
Natawa naman ako sa kanya dahil alam kong nagbibiro lang siya.
"Picture tayo dali!" hinila naman ako ni Chloe at ibinigay kay Sherman ang phone.
They completely ignored my brother kaya naiwan siyang nakatingin at nanonood lang sa amin.
"Aber? Hindi lang dapat ikaw ang magpa-picture kay Elizabeth" taas kilay niyang sabi kaya in-excuse niya yung katabi niya para kuhanan kami.
"Smile!" sabi noong babae. Kaya sabay sabay kaming ngumiti.
"Wacky, wacky!" pahabol ni Chloe at at nag make face at pati ako ay ganoon rin ang ginawa.
"Elizabeth! Pare!" maangas na sabi ni Ronald at kasunod naman niya sa paglalakad si Kenzo.
Nag-high five kaming tatlo bago nag fist bump. Sila ang naging ka-close ko sa music club maliban kay Cerca at Zeke.
"Ganda natin ah, pwede nang ligawan?" sabi ni Kenzo na ikinangiti ko naman.
Sorry pero hindi.
"Hep, hep. Ayaw mo pa naman sigurong mamatay noh?" awat ni Ronald sa kaibigan niyang bumabanat. "Pagpasensyahan mo na itong isang ito, ngayon lang nagkaroon ng kaibigang maganda." turo pa naiya rito at bumungisngis sa akin.
Binatukan naman siya ni Kenzo saka tumawa ng malakas. "Gago ka boy!"
"Picture muna tayo." pag aya ni Kenzo saka humugot ng phone sa bulsa.
BINABASA MO ANG
Royal Trilogy 1: Royal in Disguise
RomancePrincess Messina Elizabeth Royale has always been interested by the outside world, particularly the idea of attending a real school. However, as a member of the royal family of the Great Place of Royale, her education had only been provided by priva...