Chapter 25

521 22 0
                                    

Chapter 25

N

akaupo ako ngayon sa isa sa mga silya dito sa loob ng Jollibee. Akala ko talaga ay literal na may bubuyog dito! It turns out na mascot lang pala na Jollibee at may pakpak ng bubuyog. It's a bee mascot in red, yellow and white.

Si Tharen na raw ang bibili ng pagkain kaya nakaupo lang ako rito. He also told me na wag na wag raw akong aalis sa pwesto ko, hindi ko naman alam ang ibig sabihin niya. Nagkibit balikat na lang ako.

Ang aking pansin ay nasa playground dito sa loob? Pwede palang magkaroon ng ganito dito?

May mga batang naglalaro at may lalagyan sila ng sapatos. Nakakatuwa silang panoorin. Ang ilan ay umaakyat ng hagdan, nababa sa pole, tumatalon sa trampolin at halos ay nasa slide.

"Ate, ate. Laro tayo!" may batang babaeng humila sa kamay ko.

"Hindi na." sabi ko sa kanya.

"Sige na ate, tara maglaro sa slide."

Tinanggal ko ang sapatos ko at nagpahila naman, mahirap pag bigla itong umiyak, magiging masama pa ako.

On the other hand, wala namang masamang i-try 'to, wala namang ganito sa palasyo. Hindi naman masamang makaranas diba?

Medyo masikip sa loob pero nakapag-slide naman ako kaso mababa. Nabibitin yung saya ko, wala bang mas mahaba rito?

Bago pa uli ako nakapasok ay narinig akong tumikhim sa likuran ko.

Si Tharen nakataas ang isang kilay at may hawak na tray ng pagkain.

"I told you na wag kang aalis diba? Wala na tayong mauupuan " seryoso ang boses niya.

Oops.

"Ganon ba. Hindi mo naman sinabing yun ang mangyayari, 'di ko tuloy naintindihan."

Bumuntong hininga siya at ako naman ay napahawak sa batok ko. Sinuot ko na ulit ang sapatos ko at sumunod sa kanya.

"Forget it." sabi niya at humingi ng assistance sa crew at doon ay inihanap niya kami ng bakanteng upuan.

Nang makaupo kami ay ibinigay niya sa akin ang isang platong may lamang kanin at chicken.

"Ganito lang karami?" tanong ko.

"'Wag kang mag alala, I bought fries and burger and for the drinks, just water." Tumango na lang ako. Pero kasi, mukhang kaunti lang "Masarap yan, kumain ka lang."

"Sige." may isang maliit na cup na may lamang brown na liquid "Uh? Tharen. What is this?" turo ko dun sa cup.

"Gravy. Isawsaw mo lang yung chicken diyan para mas masarap kainin or ibuhos mo sa kanin. Kung ano ang gusto mo."

Pinanood ko siyang binuhos yung gravy daw sa kanyang kanin at ang kaunti ay sa chicken.

Tiningnan ko yung akin at iniisip kung gagawin ko ba yung ginawa niya. I took a piece of chicken meat at isinawsaw sa gravy. Titikman ko muna bago gumawa ng kakaiba.

"Masarap!" tanging sabi ko kay Tharen.

"I told you. Here's your fries. It also depends on you kung gusto mong tomato ketchup or gravy ang sauce ng fries mo."

Fries ang tawag dito sa mahahabang strips ng patatas? Napaka strange tingnan. Kumuha ako ng isa at isinawsaw sa tomato ketchup.

Masarap din.

Royal Trilogy 1: Royal in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon