XXI

561 23 0
                                    

CHAPTER 21
(revised)






Mahigit isang oras na akong nakatigil dito sa silid ni Zeke at hindi pa rin maproseso kung bakit nagkaroon ng ganito rito sa university. Matagal ko pang pinag-isipan kung normal lang ba ang ganito. Bakit ko ba pinagtutuonan ng pansin ang tungkol dito?






Ngayon naman ay pinagmamasdan ko na si Zeke habang ang kanyang pansin ay nakatutok sa kanyang nilulutong ulam. Gustohin ko man subukang tumakbo paalis, imposible naman na magawa ko iyon sapagkat siya lang ang nakakaalam ng daan palabas, at nakakahiya naman kung tatanggihan ko pa ang alok niya na rito ako kumain kung nakapagsimula na siyang magluto.







Dalawang oras naman ang nakalaan ngayong araw para sa tanghalian kaya ganoon na lang niya lubosin ang oras sa pagluluto. Kanina nga lang ay nilapitan ko siya para alamin kung ano ang niluluto niya, pero hinarangan niya ako at pinigilan na makita kung anong putahe ang binabalak niyang ihain. Napanguso na lang ako at nakaramdam ng sobrang pagka-bagot sa paghihintay kaya naisipan ko na lang na maglibot-libot sa buong silid para malibang ang aking sarili.






Nang matapos ako ay naupo na lang ako silya sa dining at nakahalumbabang sinusundan ng tingin ang bulto ni Zeke na pabalik-balik ang lakad habang siya ay abala pa rin sa pagluluto. Hindi ko na maiwasang magutom sa pagtitig sa kanya. Kumakalam na ang sikmura ko at nakakaramdam na ng sobrang gutom, pagkain na lang na ihahanda niya kulang at mabubusog na ako.






Hay, ang gwapo niyang gumalaw.







Hindi naman mali ang naisip ko. Hindi siya nakakasawang panoorin. Nailihis ko naman agad ang tingin ko nang bigla siyang lumingon sa akin at lumapit.







Kinabahan naman ako dahil baka napansin niya ang pagtitig ko sa kanya pero wala namang nangyari kYa nakahinga ako ng maluwag.








Umupo na siya sa tabi ko dala-dala ang niluto niyang kanin at ulam. Ito na ba ang niluto niya sa loob ng isang oras? "Dito ka ba talaga nakatira?" Tanong ko na puno ng kyuryosidad. "If that's what you're thinking." Kaswal niyang sagot at naglapag ng platong mayroon nang isang sandok na kanin sa harapan ko.






"Kaya siguro ang aga mo rito lagi," kaswal kong sabi at tiningnan ang ulam. "Bakit ka naman nagkaroon ng kwarto rito sa university? VIP ka ba?" Tanong ko pa ulit. Tumingin naman siya sa akin at medyo natawa. Sinamaan ko siya ng tingin at ibinaling ang tingin sa ulam na talagang ikinagutom ko lalo dahil sa mabango nitong amoy.





"I guess you could say I'm a VIP here. This is nothing out of the ordinary for me." Nakangiti niyang sabi. Bumuntong hininga pa siya at ibinalik sa dating ekspresyon ang mukha niya na animo'y pinipigilan ang sariling matawa. "Sa papaanong paraan ba?" Tanong ko pa, Ihinilig ang ulo pakanan at kunot ang noo.





"I thought you knew?" He questioned, his brow furrowed. "Ang alin?" Tanong ko, naguguluhan pang tumingin sa kanya. "Ano ba rapat ang alam ko tungkol sa'yo?" Dagdag kong tanong at naibaba ang hawak na kutsara.







"My name and my lineage." Sabi niya at tumitig ng deretso sa mga mata ko. Napaisip naman ako roon. "All I know is that you are Ezekiel and.."







'Ezekiel Helffrich, president.'





Ezekiel Helffrich...





Ezekiel...





"Helffrich!" Napatayo ako sa upuan at naituro siya gamit ang hawak kong tinidor na may nakatusok nang ulam. Hindi ako makapaniwala... Hindi ako makapaniwalang nakalimutan ko 'yon. Napaka importanteng detalye n'on Elizabeth!





Royal Trilogy 1: Royal in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon