X

779 26 0
                                    

CHAPTER 10
(revised)





Nagdaan ang ilang araw at Biyernes na ngayon. Nakakasabay na rin ako sa klase at nakahabol sa mga aktibidad at mga pagsusulit na ipinagawa noong mga nagdaang buwan. Isa pa ay naging pamilyar na ako sa takbo ng buhay estudyante na meron dito na noong una ay kwinekwestyon ko pa. Hindi madali, at hindi rin naman mahirap. Neutral lang.





Bago kami naghiwalay ng pupuntahan ni Cenon ay sinabi niyang organization and club day tuwing araw ng Biyernes. Nasabi niya ring hindi niya ako masasamahn at kailangan niya raw mag-training kasama ang buong basketball club para sa tournament nila bukas. He's a varsity player at kilalang-kilala siya rito sa university. Iyon siguro ang dahilan kung bakit madalas siyang pinagtitinginan ng mga estudyante.


Dahil bago lang ako rito, binilin din sa akin ni Miss Emil na ngayong araw ay mayroon dapat akong masalihang kahit anong organization o club. Kakailanganin iyon for self assessment at binabase rin doon ang grado sa personal development.




Kasalukuyan akong nandito sa tapat ng Music Ministry dahil dito ko naisipan na mag-audition. Wala namang kakaibang rason kung hindi ang ito ang natipuhan kong salihan, kahit halos lahat naman ng ginagawa sa bawat clubs ay abot kaya ng talento ko.





Isa pa, agad ko rin namang nahanap ang lokasyon nitong Music Ministry sa mga kwento at pagsama sa akin ni Cenon sa paglilibot. Dumating tuloy ako sa puntong nasaulo ko ang pasikot-sikot dito sa university.


Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob at magpakilala. "Hi..." Panimula ko at nahihiyang kumaway sa taong naririto sa loob. "I'm Elizabeth, gusto ko sanang mag-auditon dito sa Music Ministry." Nahihiya ko pang sabi at hinawi ang buhok sa likod ng aking tenga.


"Hello!" Malakas na bati ng isang myembro bago at binitawan ang hawak na cello. "Can I call you Eli? Ako nga pala si Cerca, vice president dito. Welcome sa Music Ministry!" Pagpapakilala niya sa kanyang sarili at naglakad palapit sa akin.


"Ah, okay. Salamat!" Naiilang kong sagot at ngumiti. Sobra kasi niyang energetic. Hindi ko naman masabayan.







"Transferee ka 'di ba? Kilalang-kilala ka sa buong school! Ikaw lang ang may ganyang kulay ng buhok. Natural ba 'yan?" Mapaglaro ang tonong tanong niya. Ilang agwat na lang ang meron kami nang mas lumapit pa siya sa'kin at hinawakan ang buhok ko para tingnan kung natural nga.


"Uhm, oo." Nailang kong sagot at humakbang patalikod. Hindi ko naman siya binigyan ng permiso para hawakan ako ng basta-basta pero kung umasta siya ay magkakilala na kami. Ang sabi naman sa akin ni Myline ay normal lang iyon sa labas ng palasyo.


"Stop it, Durbrow." Sita sa kanya ng isang lalaking kalalabas lang mula isa pang dito sa loob ng silid. "Ezekiel Helffrich, president." Maikli niyang pagpapakilala at hindi nagbago ang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha.


"Elizabeth Brual." Pagpapakilala ko at ngumiti. Ang cold niya naman. I can't deny na hindi ko maialis sa kanya ang paningin ko kahit na ganoon siya umasta. He's really handsome....





Royal Trilogy 1: Royal in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon