Chapter 58

508 17 0
                                    

CHAPTER 58

"What now?" tanong ko.

Nandito kami sa silid ni Zeke ngayon at nakaupo lang. Si kuya ang nasa tabi ko while si Zeke naman ay nasa kabila.

Marahil ay hindi pa settled ang kung anong nangyari sa amin ni Zeke.

"He's not around for how many days. Paano niyo matatanong kung may ginawa ba siya rito sa kapatid ko." bwelta ni kuya. Si Cenon ang tinutukoy niya.

"We are taught not to play with someone's feelings. Ang bilis mo namang mag-judge kung ganoon." dagdag ni kuya at nakatingin ng deretso kay Zeke.

"Stop it." pagtitigil ko sa kanya.

"Kung hindi pa rin ayos ito. Halata ko naman na hindi ka pa satisfied sa sinabi ng kapatid ko."

"No room to judge kuya." I told him in a low voice habang nakahawak sa braso niya.

"He judged you! Asan pa yung no room na 'yan?" inis na sbi ni kuya.

Itinikom ko ang bibig ko at hindi na umimik.

"Sabihin mo lang kung gusto mo nang bumitaw Helffrich, madali lang akong kausap." pinagkrus ni kuya ang kamay niya at sumandal.

"No." mabilis na sagot ni Zeke at kagat labing nakatingin sa akin.

He gave me the slightest hope na magkaayos kami.

"Good. We are risking my sister's  life." Sarkastikong sabi ni kuya "Yun ang gusto kong sabihin."
Tumayo siya at naglakad papalabas.

Kaming dalawa lang ni Zeke ang natira. Binigyan siguro kami ni kuya ng oras para magkausap.

"We will be okay right?" I said while looking straight into his eyes.

Ilang segundo siyang tumitig sa akin bago tumango ng dahan dahan.

I bitterly smiled. I expected that answer pero bakit nasasaktan pa rin ako.

"Did you eat?" tanong niya.

I look at him at sinusubok na basahin kung ano ang nasa isip niya.

"A little bit."  I said. Kumunot ang noo niya kaya napayuko ako at itinuon ang paningin sa aking mga daliri.

Tumayo siya sa pagkakaupo pero hindi ko iyon nilingon. Kumuha siya ng maluluto sa ref at nagsimula nang magluto.

Bumuntong hininga ako at tumayo sa kinauupuan ko. Ibinaling ko ang lakad sa kama at doon ay tumigil.

Ramdam kong sunod ang tingin ni Zeke sa akin pero humiga lang ako doon at sa kabilang side humilig.

Sa sobrang iyak ko kanina at pagod ko ng ilang araw ay hindi ko na kaya ngayon kaya ipinikit ko ang aking mata para matulog saglit.

Naalimpungatan ako nang dahil sa paggalaw. Nagulat ako dahil may brasong nakapulupot sa bewang ko. Nasa tabi ko si Zeke at natulog din.

Inalis ko ang pagkakayap niya sa akin pero hinigpitan pa niya lalo kaya napalapit ako sa kanya.

We are now one breath away. He opened his eyes slowly to look at me.

Royal Trilogy 1: Royal in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon