Chapter 40

460 18 0
                                    

CHAPTER 40

"Alam mo ba yung balitang bibisita raw dito si King Henry at Queen Elijah para manood ngayong sportsfest!" excited na sa sabi ni Chloe.

Ako naman ay hindi magkaintindihan sa sitwasyon ko ngayon. Iniisip ko pa rin yung tungkol kay March.

Niyaya pa akong sumayaw sa gitna! Hindi ako nakatanggi dahil maraming nakatingin sa amin. When I look at my dad, he looks happy na parang boto siya kay March. No way!

Umiling iling ako sa aking naiisip. Whatever happens, hindi ako papayag na si March Kaden ang ikasal sa akin.

"Girl! Lipad na lipad ah," tapik sa akin ni Sherman "Anong oras ba ng laro niyo at parang wala ka na sa wisyo?" tanong niya sa akin habang nagpapaypay.

"Mamaya pang hapon ang laban ng archery, manonood kayo?"

"Aba syempre naman bes, support kami sa'yo!" may hawak pang pompoms itong si Chloe at shine-shake sa harap ko.

Napangiti naman ako, sila na lang nakakasama ko dito sa school pag wala si kuya Primoz.

Speaking of him, umalis siya kanina pagkahatid sa akin dito sa room at may aasikasuhin lang daw siya, ako naman ay hinayaan lang siyang umalis.

"Wala ba kayong sinalihang sports?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Girl, buong highschool year na kaming sumasali sa sportsfest kaya ngayon ay pahinga na namin. We want to enjoy the last year na kami naman ang manonood." sumangayon naman si Chloe sa kanya.

"Ano bang sport ang sinalihan niyo before?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Volleyball ako girl," tumayo pa si Sherman na tumalon at humampas pa sa hangin. Kilos bakla pa rin naman kaya natawa ako.

"Tennis." sagot ni Chloe at umupo sa tabi ko.

"Hindi ko kaya ang ganyan kahirap na sport, gusto ko rin namang subukan." nanghihinayang na sabi ko sa kanila.

"Bakit naman? Pwede ka namang maglaro. Wala naman sigurong magbabawal sa'yo?" sabi ni Chloe bago uminom sa tumbler niya.

"My body is weak kaya hindi ako pwede mapagod ng sobra." malinaw kong sabi kaya hindi na sila nagsalita pa.

Bumukas ang pinto at lahat kaming nasa room ay napatingin sa nagbukas niyon.

"Is Elizabeth here? Pinapatawag na siya sa archery club" iniisip ko pa lang kanina pero nandito na siya sa room para i-excuse ako.

Niyugyog naman ako ng dalawa kong katabi.

Dahil sa likot nila ay napansin agad kami ni March at ngayon ay nakatingin na sa aming gawi.

"Ghurl! Ang pogi ni fafa March!" manghang manghang sabi ni Sherman at halatang ang kilig. "Chic magnet ka ba?! Lahat na lang ng pogi, nakakasama mo! Sikat 'yan dito sa school!" rinig na rinig ang mahina niya tili sa akin. Si Chloe ay ganoon rin kaya bingi ako sa kanilang tili.

"Crush ko 'yan!" si Chloe na parang nangingisay na sa kilig "Sobrang galing niya sa Nationals. Ka-close mo? Ipakilala mo naman kami!" tumatalon talon na siya at pinipilit na magpigil pero hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa kanya kaya napangiwi na pang ako.

"Tama na guys, cheer niyo na lang ako mamaya," inalis ko ang pagkakahawak ng  kanilang kamay sa akin at tumayo na.

"Samahan ka namin sa may pinto tapos ipakilala mo kami." bumuntong hininga ako.

Royal Trilogy 1: Royal in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon