XVI

627 24 0
                                    

CHAPTER 16
— the kiss —
(revised)





Sunod na araw ay pumasok ako sa university na mayroong maliliit na tapal sa aking mga sugat. Ang aking likuran naman ay palagi ko ring iniuunat dahil nakakaramdam pa rin ako ng sakit hanggang ngayon.







Pagkarating ko naman sa silid ng Music Ministry ay wala pang kahit isang tao ang nasa loob. Napaaga siguro ako ng dating. They're on their way na siguro? Si Cerca kaya?







Dahil wala pa naman ang ibang myembro ay naisipan ko na lang munang ilibot ang sarili sa buong silid at hanggang sa mapadpad ako sa isang sulok kung saan ay naka-display lahat ng parangal na natanggap ng ilan sa myembro dito.





Matagal na pala silang nasa club na 'to. Ganoon lang siguro sila sa ka devoted sa field ng musika. Dumako namvm ang paningin ko sa itaas na parte ng babasaging estante at pinagmasdan ang parangal na natanggap ng buong music club sa international na labanan.






Paglingon ko sa kaliwang parte ng silid ay nakakita ako ng instrumentong bago sa paningin ko. Ano 'tong mga 'to?
Mga tambol na wala sa matinong ayos, iba't ibang uri ng gitara na ikinakabit sa kuryente? Ang tanging alam ko lang ay acoustic at mga sinaunang instrumento na nakikita ko lamang sa libro at sa loob ng palasyo.







Itatanong ko na lamang siguro kay Cerca kung anong uri ng instrumento ang mga 'yon. Nagpatuloy ako sa paglilibot hanggang sa nakarating ako sa pinto na hindi ko alam kung anong nasa loob. Wala naman sigurong makakaalam kung titingnan ko ang itsura ng silid, kaya sinubukan kong buksan ang pinto at hindi naman ako nabigo dahil hindi ito nakakandado.







"Wow!" Mangha kong sabi. Parang ganito rin sa opisina ni dad! May couch, center table, lalagyan ng pagkain sa tabi at ang mismong table kapag nakikipag-usap. Dumeretso ako sa pagpasok at lumapit sa bintana para tingnan ang itsura sa labas at doon ay nakita ko ang open field ng school. "Ang ganda!" Namamangha ko na namang sabi.





Tinanaw ko ng mabuti ang buong field at hindi pa gaanong karami ang mga tao naglalakad at tumitigil doon. May ilang nakatambay, nag kwe-kwentuhan, nagtatakbuhan, at may ilan ding dumaraan lamang. "Ikaw pa lang ang may lakas ng loob na pumasok dito." Nagulat ako sa biglang nagsalita. Paglingon ko ay nakita ko si Zeke na bumangon sa long couch na hinihigaan niya.





"Dito ka natulog?" Gulat kong tanong. Ano namang naisipan niya at dito siya natulog. Hindi siya umimik at hinilot-hilot ang kanyang ulo saka tumayo. Magulo ang buhok niya at ang mata niya ay papikit-pikit pa dahil sa antok. Ang cute niyang tingnan. Mali 'yang naiisip mo Elizabeth! Hindi ka rapat nag-iisip ng ganyan 'di ba?







"Sorry... Naabala yata kita. Lalabas na lang ako." Nahihiya kong sabi. Tumitig lang siya akin at dahan-dahan ding kumunot ang noo. May masama ba akong nasabi? Kinakabahan na ako sa pagtitig niya sa akin. Hindi na iyon komportable.

Royal Trilogy 1: Royal in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon