CHAPTER 13
(revised)Nagmulat ako ng mata sa isang silid kung saan nakahiga ako sa isang higaan at napatulala lang sa kisame. Naging pamilyar sa akin ang amoy ng lugar na ito dahil madalas akong dalhin dito noong bata ako. Hospital Wing? Tiningnan ko ang paligid pero hindi ito ang disenyo ng hospital wing na alam ko. Nasaan ako?
Napabalikwas ako ng bangon nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Cenon na naghahabol ng paghinga. "Mister! Respect this place! Naiistorbo mo ang mga pasyente." Sita noomg nurse pero hindi pinansin ni Cenon at tumuloy lang sa paglapit sa akin.
"What happened? Hindi ka um-attend ng klase! You're worrying me, Mess. Are you hurt?" Mabilis niyang sabi. Humawak pa siya sa akin at tiningnan ang kalagayan ko.
Nakaramdam ako ng kilig sa pag-aalala niya. Mahiya ka nga, Elizabeth! Parang kanina, iniiwasan mo lang, tapos kikiligin ka ngayon? You're a disgrace!
"Nurse! Ano na pong nangyari sa kaibigan ko?" Tinig ng isang pamilyar na boses sa labas ng silid. Pumasok ang nurse na kaninang pinagsasabihan si Cenon at nakasunod sa kanya sina Cerca at Zeke. Ipinaliwanag sa kanila kung anong naging sanhi kung bakit nakaramdam ako ng hirap sa paghinga.
Nang magtama ang tingin naming dalawa ni Cerca ay agad namdn siyang lumapit sa akin. "Ano ka ba naman Eli, bakit 'di mo sinabi na allergic ka sa seafoods! Pinag-alala mo kami! Akala ko mamamatay ka na kasi umiiyak ka pa." Sabi niya. Hindi ko naman maintindihan kung nag-aalala siya o nagbibiro? Wala bang mas maayos na construction ng salita?
"I apologize. Hindi ko naman alam na seafood pala 'yung nakain ko. Ang sarap kasi kaya naparami." Napakamot na lang ako sa ulo.
"Sana kasi sinasabi niyo sa kanya na seafood 'yung in-order niyong pagkain." May bahid ng inis sa boses ni Cenon noong sinabi niya iyon. May kasalanan din naman ako. Bakit ibinubunton niya ang galit sa kanila?
"Tch." Asik ni Zeke habang magkakrus ang kamay at nakasandal sa may pader. Bumaling ang tingin sa kanyani Cenon kaya ngadon ay nagpapalitan nasila ng masamang tingin.
"'Wag nga kayong magsimula ng away rito! Mahiya naman kayo kay Eli oh!" Awat ni Cerca doon sa dalawa at idinawi pa ang pangalan ko. "Sorry talaga Eli.... Next time ay tatanungin ko na si Zeke kung ano ang bibil--" naputol ang sinasabi ni Cerca dahil sa pagsabat ni Cenon sa kanya.
"Wala nang next time Cerca, sa akin lang sasabay kumain si Mess," kunot noo at seryosong turan ni Cenon. "Kaya lumabas na kayo rito. Ako na ang bahala." Sabi niya at umupo sa tabi ko kaya nakaramdam ako ng kaunting kilig.
Hindi agad na-compose ni Cerca ang sasabihin at napangiwi siya sa iniasta ni Cenon. Parang hindi makapaniwala sa kanyang nakita at narinig. "Nagbabago rin pala demonyo," nakangising asal ni Cerca. "Pasalamat ka talaga Cenon na pinsan kita! Tara na nga Eze. Humanda ka sa akin pag-uwi!" Nagbabamta niyang sabi kay Cenon na parang naghahamon ng away. Hinila niya na palabas si Zeke at hindi nag-abala pang magpaalam.
BINABASA MO ANG
Royal Trilogy 1: Royal in Disguise
RomancePrincess Messina Elizabeth Royale has always been interested by the outside world, particularly the idea of attending a real school. However, as a member of the royal family of the Great Place of Royale, her education had only been provided by priva...