CHAPTER 15
(revised)Nakarating ako sa palasyo ay bandang alas syete na ng gabi. Pagbaba sa sasakyan ay sumalubong agad sa akin si mom kasama ang kanyang mga tagabantay. Ano namang meron at hinihintay nila akong makabalik? Nang makalapit kay mom ay hindi ako nag-abalang magbigay galang at dumeretso sa kanya para yumakap.
"Welcome home, your majesty!" Sabay-sabay na bati ng mga tagabantay. Hinaplos naman ni mom ang buhok ko and I felt relief.
"What's wrong, sweetie?" Kumalas siya sa yakap at tiningnan ang kabuoan ko. "Nasaan ang salamin mo? Bakit ang pula ng kaliwa mong pisngi? Where'd you got all these scratches and bruises? And your eyes are swollen!" Nag-aalala niyang tanong habang nakahawak sa magkabila kong braso. "Tell me what happened, sweetie." Bahagya pa siyang natigilan nang mahawakan niya ang kamay ko. "Kumain ka ba ng seafood?" Tanong niya.
Nakatungo akong tumango. Napansin niya ang sugat sa kaliwa kong labi at hinawakan iyon kaya nailayo ko ang mukha ko dahil sa kirot. "I'm fine, mom." Mahina kong tugon.
"Don't tell me you're fine when you're not... I'm your mother." Mahinahon niyang sabi at sinuklay ang buhok ko gamit ang kanyang daliri.
"Gagaling din 'to. Besides, mayroon tayong pinag-usapang mga kondisyon. You can't intervene with my problems easily. I can survive." Pagpapaliwanag ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Maybe she's thinking that I'm right.
"Ihahatid na kita sa silid mo," nag-aalalang sabi ni mom sa akin. "Padadalhan kita ng pagkain, at gamot para riyan sa mga sugat mo. You're probably tired kaya magpahinga ka na rin agad." Hinawakan niya ako sa likod at doon ay hindi ko na napigilang mapadaing dahil sa sakit. Nagtinginan ang lahat ng narito sa akin at kunot noo akong pinagmasdan.
Inalis agad ni mom ang pagkakahawak ng kanyang kamay sa likod ko at tiningnan ako ng masama. "That's it! Whether you like it or not, dadalhin na kita sa hospital wing. I expect that you won't decline." hindi ako nakaimik kaya bumuntong hininga na lang ako. "Tell the doctor to prepare for my arrival." Utos niya sa isang maid na nakasunod sa kanya.
"It's fine." Mahina kong sabi.
"You are not, Elizabeth... Are you going to continue lying to me while suffering from pain?" Seryosong aniya, nagmamarcha ang lakad at hinihila ako patungo sa hospital wing. She's a caring mother, and I noticed how mad her voice right now. "And to inform you, hindi ako sang-ayon sa kondisyon ng dad mo!" Sabi niya.
Hinigit niya lang ang kamay ko hanggang makarating kami sa wing at tuloy-tuloy sa pagpasok sa pinto na ikinagulat ng mga doctor at assistant nila. Agad silang nagtayuan sa kanilang kinauupuan at nagbigay galang sa aming dalawa. "Your majesties." sabay-sabay nilang sabi.
"Treat her wounds." Ma-awtoridad niyang utos, pinaupo ako sa isang upuan at pinatingnan ang kalagayan. "What happened here, your majesty, Queen Elijah?" Tanong ng head doctor na si Dra. Christine. Kararating lang din niya rito sa wing.
BINABASA MO ANG
Royal Trilogy 1: Royal in Disguise
Любовные романыPrincess Messina Elizabeth Royale has always been interested by the outside world, particularly the idea of attending a real school. However, as a member of the royal family of the Great Place of Royale, her education had only been provided by priva...