CHAPTER 53
"Happy new year guys! Na-miss ko kayo!" sabi ng isang naming kaklaseng kararating lang.
May pasok na ulit at back to normal na naman ang schedule naming magkapatid.
"Girl!" sigaw ng baklang papalapit sa sa akin. "Happy new year! May kwento ako sa'yo!" biglang hampas niya sa hangin.
"Ano 'yon?" tanong ko.
"Mamaya na pala." nangunot naman ang noo ko. Ayaw ko yung binibitin ako eh tapos ganon iyong ginawa nitong si Sherman.
"Happy new year Elizabeth! Kamusta?" bati ni Chloe na papalapit sa akin ngayon.
"I'm fine naman." sagot ko sa kanya.
"Okay game! Alam niyo ba, pumunta ako sa palace countdown para sa new year," tumigil pa si Sherman dahil nagpapantasya pa."Grabe ang gawpo ni King Henry tapos ang ganda pa ni Queen Elijah! Kinabog ang kagandahan ko!" tili ni Sherman.
Umiling iling lang ako. Yun pala naman ang gusto niyang ikwento.
"Pansin ko lang ha, parehas kayo ni king Henry ng kulay ng buhok" dagdag niya na ikinagulat ko naman.
"Talaga ba? Hindi ko alam eh." nauutal akong sumagot. Kahit pumunta naman sila noong sports fest.
"Good morning!" hindi na naituloy ni Sherman ang gusto niya pang sabihin dahil dumating na si ma'am Emil. "Happy New Year students, malapit na ang 3rd quarter exam niyo, nakapag aral na ba kayo?" iyon agad ang naging balita niya sa amin.
Napalingon kaming lahat sa biglang pagbukas ng pinto.
"Good morning ma'am," bati niya.
"Buti at naisipan mo pang pumasok, Trentino." sabi ni ma'am.
Si Cenon yung pumasok at nagkakamot sa ulong naglakad papuntang silya.
Tumingin siya ng malamig sa akin at ako naman ay naglihis ng tingin. Kinabahan ako bigla.
"Ang mangyayare after ng quarterly exams niyo ay magkakaroon tayo ng School Festival." naghiyawan ang mga kaklase ko sa sinabing iyon ni ma'am.
Ano bang meron sa school festival, fiesta ba iyon tulad ng nababasa ko sa libro?
"So the upcoming events para sa ating school festival ay room by room na pakulo. If you want to have café, horror house, dedication booth or anything. Kahit ano ay pwede basta legal. It will operate for 2 days!" paliwanag ni ma'am sa amin
Sinulat niyo iyon sa blackboard at jinot down naman ng secretary namin.
"Next is the Pageant. Ang 4th year ay magkakaroon ng Mr. and Ms. ESU and I want a representative from this class. Other than the Brual siblings, mayroon ba kayong possible candidate?" tanong ni ma'am. Gusto niya sigurong ma-discover ang talento ng iba pa sa amin at napakaga gandang idea niyon.
"Ma'am!" taas kamay na sabi ni Sherman "Ako po." saka hinawi ang buhok na guniguni sa likod ng tenga.
"'Wag ako Sherman ha." natatawang sabi ni ma'am kaya napanguso ang bakla.
"Si Cenon sa boy representative natin!" masayang sabi ni Sherman at kumindat kay Cenon. Kitang kita ko kung paano ngumiwi si Cenon dahil doon kaya natawa ako.
Sumangayon naman ang ilan sa mga kaklase namin. Tumango rin ako dahil mayroon naman siyang itsurang pwedeng ilaban.
"Si Chloe naman po sa babae!" ako ang nagsabi kaya nanlaki ang mata niya sa akin na sinasabing bakit siya.
I mouthed her 'sorry' pero bet ko talaga siyang ilaban. Sumangayon din naman si ma'am eh kaya final na agad.
"The third one is band performance from guests na dadalo rito sa school. Kung ang pagaent ay 3rd day, ang band naman ay 4th day. Para sa last, magkakaroon tayo ng campfire. Which means 5 days ang ating school festival." pag lalahat ni ma'am.
"Hope na ma-enjoy niyo iyon dahil ilang months na lang ay magpapaalam na kayo bilang highschool students. For now, magkakaroon muna ng klase for the upcoming test kaya galingan niyo!" yun ang huling sinabi ni ma'am at nagpaalam na sa'min.
Dumating agad ang second subject teacher namin kaya nagkaroon na agad ng klase. Nagtuloy tuloy na iyon hanggang lunch kaya napagod ako ng husto lalo na't magkasunod na math at science na puro computation ang itinuro. Algebra and gas law pa.
"Kumain ka na nga," dating ni kuya sa table. "Natutulala ka na eh."
"Psh, may iniisip lang ako." pagdadahilan ko kahit wala naman. Nakatulala lang talaga ako.
Nandito na kami sa canteen para mag lunch. Gutom na rin naman kami kaya nagounta kami dito.
"Epekto siguro iyan ng hindi niyo pagkikita ni Zeke, wala pa ba?" natatawa niyang tanong saka kumain.
"Manahimik ka nga!" kumain na lang rin ako at hindi masyadong pinansin si kuya.
"Mind if I join?" pareho kaming napalingon ni kuya sa nagsalitang iyon.
Si Cenon na nankangiti at palipat lipat ang tingin sa aming magkapatid.
"Don't judge me, nakalimutan ko na iyon and sorry." sabi niya.
Hindi naman ako nakumbinse pero pinaupo siya ni kuya sa tabi niya.
"Oy!" may isa pang pandale ang lumapit sa table namin.
"March!" masayang sabi ni kuya. Kita ko naman ang itsura ni Cenon. Iba kasi ang naging treatment ni kuya sa kanya kaysa kay March. Kung ako si kuya ay hindi ko sila pauupoing parehas. Hindi ako sociable kaya no way!
Umupo si March sa tabi ko at ngumiti sa akin. I gave him a small smile at itinuon na sa pagkain ko ang atensyon.
Buong lunch time silang nagkwekwentuhan at nabanggit pa ni kuya yung instagram na iyan kaya pati ako ay nakuhanan ng info tungkol sa account ko.
"Follow back mo ako ha!" sabi ni March at nakangiti sa akin.
Inirapan ko naman siya at kinuha ang phone. Fi-nollow back ko rin naman, aarte pa ba ako.
"Uuna na ako sa inyo. Bye!" tumayo si March at nagpaalam sa amin. Sunod naman ang tingin naman sa papapalayo niyang lakad.
"Tara, malapit na ring mag-time." aya ni kuya sa akin at sinenyasan niya si Cenon na tmango kaya tumangi naman ito.
Niligpit muna naman ang pinagkainan namin saka lumabas ng canteen.
"Ops, ako sa gitna." singit ni kuya Primoz. Katabi ko kasing naglakad si Cenon at pumagitna si kuya. Natawa ako ng kaunti dahil sa iniasta niya. Napapaghalataang inilalayo ako sa isang iyon.
Hindi ko pa rin nakikita si Zeke ngayong araw na ito kahit nakasalubing man lang.
Yung relationship namin, parang lowkey lang. Ako, siya at si kuya lang ang nakakaalam kaya hindi ko alam kung paano kami makakagalaw ng ayos.
Nakarating kami sa room na hindi nag iimikan at nagsimula ang after class hanggang sa mag uwian.
"Uuna na kami Chloe, ingat kayo mamaya!" paalam ko sa kaniya, busy si Sherman sa paglilinis kaya hindi na ako nakapagpaalam.
Kumaway si Chloe sa akin bago makalabas ng room.
At dumeretso na sa gate kasabay ni kuya. Hindi ko talaga siya nakita ngayon.
Sumakay na kami sa kotse para umuwi at nanlulumong umalis sa school.
......
BINABASA MO ANG
Royal Trilogy 1: Royal in Disguise
Storie d'amorePrincess Messina Elizabeth Royale has always been interested by the outside world, particularly the idea of attending a real school. However, as a member of the royal family of the Great Place of Royale, her education had only been provided by priva...