Prologue
"Please Lara, ikaw nalang muna ang mag deliver nito wala kasi si Jed para mag deliver e." sabi nya, si Jed ang delivery man namin.
"Pero ma'a---" naputol ang sasabihin ko ng may dumating na mga costumer sa coffee shop, ibinigay na sakin ni ma'am ang mga kape at no choice na ako kundi ideliver ito.
Pag karating ko sa lugar na nakasulat sa papel napamaang ako sa laki ng establishment na nasa harapan ko.
Tumayo ako sa harap ng entrance nito. "Talaga bang makakapasok na ako sa lugar na ito?" Wala sa sariling tanong ko, pangarap kong makapasok sa lugar na ito dahil ito ang pinaka malaking kompanya sa buong bansa.
Laffiel Empire.
Pangalan palang ay halata na ang karangyaang nakukuha ng taong nag mamayari nito, the Laffiel Empire is well-known for its businesses such as real estate, cruise ships, cars, aircrafts and airlines, it also has bars and wine businesses all over the world.
"Sino kaya ang may ari nito?" tanong ko nanaman sa sarili ko.
Hindi parin ako umaalis sa kinatatayuan ko. Baka hindi ako papasukin dahil sa suot ko, halos lahat ng nakikita ko ay naka formal na suot samantalang ako ay naka suot lang ng uniporme ng coffee shop na pinag tatrabahuhan ko.
"Pwede ba talaga ako pumasok dito?" Muling tanong ko at nagulat ako nung biglang may mag salita sa likod.
"Yes you can, so get out of my way."
Kinilabutan ako sa boses ng taong nag salita bakas sa boses nito ang pag kairita at halatang ano mang oras ay handa nya akong itulak para maalis lang ako sa harap nya.
"Sor---" Haharap sana ako sa kanya para mag sorry pero dahil malapit sya sakin at hawak ko ang kapeng idideliver ko, hindi sinasadyang natapon ko iyon sa kanya at nabasa niyon ang suit nyang mukhang napaka mahal.
"F*ck." I flinched when I heard him cursed halos manginig na ako sa takot, putek patay na ako nito.
Sinubukan kong punasan ang nabasa nyang damit pero agad na may tumabig ng kamay ko at nakita ko ang isa nyang kasamang lalaki na syang may gawa. Napahawak ako sa kamay ko dahil medyo malakas ang pag kakahampas doon at nasaktan ako.
"Don't touch him." Saad nito at matiim na tumingin sakin.
"Sorry, hindi ko sinasadya." Sabi ko at tinignan ang lalaking natapunan ko ng kape.
He is a tall man towering my humble five feet and six inches height. He is wearing a very expensive suit but it can't hide the fact that behind that suit is a well-built and muscular body. His raven black hair is still gorgeous even if it's messy. The complexion of his fair skin complements his mesmerizing greyish cold eyes that is staring straight into my eyes.
Tinitigan lang ako ng lalaki at tama ba ang nakita ko may dumaan na saya sa mga mata nya, pero bakit naman?
"What's your name woman?" seryoso nitong tanong pero nandoon parin ang kislap sa mga mata nya, biglang napawi ang nararamdaman kong takot.
"Lara Trinidad." Hindi sya kumibo at binalingan nya ang kasamang lalaki na tumabig sa kamay ko na ngayon ay namumula na.
"Sandoval bring her to my office." Wika nito at dirediretsong nag lakad patungo sa loob ng establisyemento.
BINABASA MO ANG
The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]
Action[COMPLETED] The Heart of a Mafia Boss Konrad Lucas Laffiel He is invincible. He is the ruler of Laffiel Empire and the boss of Laffiel Mafia. Konrad always gets what he wants, so when he met Lara Trinidad the girl who captured his heart, he decided...