THOAMB #6 - Rain

1.3K 66 0
                                    

Chapter 6

Lara's POV

"L-lucas,"

Nasa labas sya ng bahay ko habang naka sandal sa motor, agad na napakunot ang noo ko nang makita ko syang naninigarilyo.

Lumapit ako sa kanya at mabilis na inagaw ang hawak nyang yosi sabay tinapon iyon.

"What the hell." Singhal nya sakin.

"So naninigarilyo ka pala? Hindi mo ba alam na masama iyon?" Hindi ako nag padala sa pag singhal nya at taas noo paring sinabi ang gusto ko.

"So?" wala nyang ganang pag sagot. Ano bang problema nya? Hndi ba dapat ako ang magalit dahil hindi man lang sya nag paramdam tapos ngayon aakto syang ganyan.

"What's your problem Lucas?" Naiirita ako sa kanya. Wala naman akong ginagawa sa kanya tapos ganyan sya. Nakikisabay pa itong ulan na unti unti nang nag paparamdam.

"We have a fucking rules Lara. Who is that fucking guy? Bakit mag kasama kayo? Nag enjoy ka ba na kasama sya habang wala ako? Hindi pa tayo nag tatagal pero niloko mo na ako agad." Ngayon ay nakatayo na sya sa harapan ko habang hawak ang braso ko. napangiwi ako dahil sa sakit nang pag kakahawak nya.

"Ano ba Lucas nasasaktan ako, bitiwan mo nga ako." Lalo lang humigpit ang hawak nya habang ang mga mata nya ay puno ng galit at kung tama ako ay selos.

"Anong ginawa nyo? may nangyari ba sa inyo? Did you enjoy it? Tell me La---" dahil sa galit na naramdaman ko ay hindi ko na napigilan ang pag lapat ng kamay ko sa mukha nya at kasabay nun ay ang pag bagsak ng ulan.

Kahit nababasa kami ng ulan ay alam ko sa sarili ko na may tumutulong luha mula sa mga mata ko. Hindi ko alam na kaya nyang gawin at sabihin iyon sakin. Maiintindihan ko pa sana ang galit nya dahil ayon nga sa usapan namin ay bawal ang lalaki, pero hindi ko na matatanggap ang iba pa nyang sinabi.

"Wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan Konrad hindi mo alam ang totoong dahilan kung bakit kami mag kasama. Kasamahan ko sya sa trabaho at oo may usapan tayo pero wala sa usapan natin na pwede mo kong pag sabihan ng ganyan dahil lang nakita mo akong may kasamang ibang lalaki. May inutos samin si Anna kaya kami mag kasama. Unfortunately may isang lalaki dito na hindi nag pakita sakin ng tatlong araw at hindi man lang nag sabi kung nasaan sya kahit may usapan kami, naging dahilan yon ng pag kapuyat ko kaya nakatulog ako sa bus, dahil doon lumampas kami ng katrabaho ko sa bababaan namin kaya ngayon lang kami na kauwi." tuloy tuloy kong sinabi iyon sa kanya habang patuloy na lumalayo dahil lumalapit sya sakin.

"Sorry Lara, I didn't mean t---"

"At alam mo ba kung ano pang masakit Konrad?" tumigil ako sa pag atras at tumingin sa kanya.

"Hindi ko akalain na masasabi mo sakin ang mga bagay na iyon dahil lang sa galit ka o kung ano man yang nararamdaman mo. For Pete's sake Konrad kakakilala lang natin at wala ka pa ngang alam tungkol sa kung sino ako tapos ganyan ka na, what more kung mag tagal pa tayo? Konrad ireremind lang kita deal lang ang meron tayo at feeling ko hindi na aabot ng one month iyon. Umalis ka na. Mag palamig ka muna ng ulo bago tayo mag usap kung pano natin tatapusin ito." hahaha niloloko ko lang naman ang sarili ko kasi para sakin hindi lang deal ito at ayoko pang matigil to, kaso natatakot ako sa mga pwedeng mangyari sa susunod. Hindi ko pa talaga sya kilala.

"No Lara, I'm sorry please wag natin itigil to." umiiling iling sya habang hinahawakan nya ako pero pilit ko lang inaalis iyon. "I'm sorry please. Hinid ko sinasadya naunahan lang ako ng galit please Lara." Hinila nya ako at niyakap at paulit ulit na bumubulong ng 'I'm sorry'.

"Umuwi ka na Konrad, basang basa na tayo ng ulan." Pinipilit kong wag kumawala ang hikbi ko habang tinutulak sya palayo. I might regret my decision right now, pero sa ngayon iyon lang ang naiisip ko.

The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon