THOAMB #26 - Rescue

954 35 0
                                    

Chapter 26

Lara's POV

"Bakit dito nyo ko dinala? Anong gagawin nyo sakin? Anong gagawin nyo kay Greg?" matalim kong tinignana ang lalaking nag dala sakin sa isang kwarto, may malaking salamin ditto na nag hihiwalay sa dalawang kwarto.

"Dito ka pinadala samin ni boss kaya wag ka na mag tanong ng mag tanong, hintayin mo nalang ang surpresa sayo ni boss. Kami na ang bahala sa kasama mong lampa." Dahil kinalag na nila ang tali ko kanina ay madali akong nakalapit sa lalaki para sugudin sya pero mabilis lang nya akong naiwasan. Mukhang nagalit sya sa ginawa ko kaya sya naman sana ang susugod pero agad na may pumagitna samin na isang babae.

"Kung anong inutos sayo ni Sinister iyon ang gawin mo, sa tingin ko hindi nya inutos na saktan mo ang babaeng to kaya umalis ka na ako na ang bahala dito." Parang nabahag ang buntot nung lalaki at walang pag aalinlangang lumabas at umalis ng kwarto katulad ng sinabi nitong babae na nasa harapan ko.

Nakatalikod sya sakin kaya hindi ko makita ang mukha nya pero base sa boses nya ay alam kong hindi sya basta basta lalo na at ganun ang kinilos nung lalaki, parang natakot sa kanya kaya mabilis na sumunod.

There's a natural sound of authority in her voice na kapag narinig mo wala kang magagawa kundi tumalima.

"Umupo ka na." tulad kanina ay seryoso parin ang boses nya, handa na sana akong matakot kung hindi lang sya humarap sakin.

Taliwas sa akto at boses nya ay meron pala syang napaka inosenteng mukha. May mga mata syang para bang nangungusap sa tao, para bang pag tumingin ka roon ay mapupunta ka sa sariling mundong meron sya. Itim na itim ang gitna ng kanyang mga mata na tila hindi mo basta basta kayang alisin ang tingin mo mula doon kapag natignan mo na.

Katulad ng nangyari sa lalaki kanina ay wala sa sariling umupo ako sa upuang nakahanda sa gitna ng kwarto. Anong nangyayari sakin? Alam kong wala syang super powers o kahit na anong magic pero bakit hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Para bang nakakaadik ang mga iyon kaya ayokong tigilan.

"Handa ka na bang makitang mamatay si Laffiel?" dahil sa sinabi nya ay doon lang ako lubos na natauhan. Ipinikit ko ang mga mata ko at inalis sa kanya ang tingin. Hindi dapat ako pang hinaan ng loob sa mga oras na to, hindi dapat ako madistract dahil sa kanila.

"Hindi nyo sya mapapatay." Laking pasasalamat ko nalang sa boses ko at nakikisama sya ngayon, hindi bumabakas sa boses ko ang totoong nararamdaman ko. Natatakot ako at kinakabahan pero hindi ko ipapakita iyon.

"Malapit na namin magawa iyon, ang kailangan mo nalang gawin ay manood." Hindi talaga ako makapaniwalang ang isang katulad nya na may ganitong mukha ay masama palang tao.

"Ano ba talagang kailangan nyo sa mga laffiel? Bakit nyo ba ginagawa to?"

"Sila ang dahilan kung bakit namatay ang mommy namin ni Sinister kaya kailangan namin silang pag bayarin. Uubusin namin sila at hindi namin hahayang may matira." Hindi ako agad nakapagsalita dahil sa sagot nya. Namatay ang nanay nya dahil sa mga Laffiel? Mag kapatid sila ni Sinister?

"Sinister? Mag kapatid kayo?" marami pa akong gustong itanong pero iyon ang unang lumabas sa bibig ko. Ngayong napagmasdan ko sya ng mas maigi may pag kakahalintulad nga ang mukha nila ni Sinister, parehas silang parang inosente pero hindi pala talaga.

"Oo at wag mo nang tanungin ang pangalan ko dahil mamatay ka rin naman dito." Hindi na nya ako binigyan pa ng pag kakataog sumagot dahil lumapit na sya sakin at may inabot na cellphone.

"Masyado na akong naiinip sa mga nangyayari kaya bibigyan kita ng pag kakataon na tumawag kay Laffiel," humakbang sya ng ilang hakang palayo sakin pero hindi parin sya umaalis sa tapat ko. Napatingin ako sa hawak kong cellphone at walang ginawa kundi ang tumitig doon. Ano bang ginagawa nya? hindi ba sya natatakot na matunton sila nila Lucas? Pano kapag sumugod dito ang Laffiel?

The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon