Chapter 19
Lara's POV
Kakabangon ko lang sa higaan pero parang gusto ko na agad bumalik sa pag kakahiga, sobrang sakit ng ulo at mga mata ko.
Bago ako matulog kagabi ay hiniling ko pa na sana hindi totoo ang mga nalaman at nakita ko pero syempre sinong niloko ko alam ko namang totoo lahat iyon.
Kahit halos wala sa sarili ay pinilit kong tumayo at mag ayos ng sarili para pumasok, hindi naman pwedeng gawin kong excuse ang nangyari kagabi para hindi pumasok sa trabaho.
Pag labas ko ng kwarto ay hindi na ako nag abalang kumain wala rin naman akong gana. Napatigil ako sa tapat ng pinto ng bahay at nakitang ayos na iyon at walang bakas ng pag kasira. Sinong nag ayos nito?
Naalala ko nanaman tuloy si Lucas, tama sya alam ko kung anong nararamdaman ko yun nga lang ay hindi pa ako handang tanggapin iyon lalo na dahil sa mga nalaman ko.
"Ay sarado?"
Pag dating ko sa shop ay nag taka ako kung bakit sarado iyon. Tinawagan ko si Anna pero hindi sya sumasagot kaya't pinuntahan ko nalang sya sa bahay nya and thankfully naandon sya.
"Lara, bat ka napadalaw?" mukhang kagigising nya lang.
"Ahmm nag punta kasi ako sa shop hindi ko kasi alam na sarado e." sagot ko sa kanya pag katapos nya akong papasukin.
"Ahhh sorry hindi ko nasabi sayo kagabi, sabi kasi ni Chad wag na raw muna ako mag bukas ng shop. Nabalitaan ko rin ang nangyari, okay ka lang ba Lara?."
Awtomatikong nanubig ang mga mata ko dahil doon. "Okay lang ako, naguguluhan at nasasaktan lang talaga ako." Pag kasabi ko non ay niyakap naman nya ako na para bang sinasabing 'okay lang yan nandito lang ako para sayo.'
"Anna alam mo rin ba matagal na?" tanong ko sa kanya at medyo natagalan sya bago nya nasagot. "Five years ago don ko lang nalaman." Sagot nya at pag katapos ay humiwalay sa pag kakayakap sakin.
"Matagal ko naring kilala si Konrad simula siguro college pero malamang hindi nya ako kilala, hindi naman kasi palakibo sa mga babae ang isang iyon. Ilang beses na kaming nag kita dahil kay Chad pero alam kong hindi nya natatandaan iyon dahil laging sa isang babae lang ang tingin at atensyon nya. Nacurious ako kaya nakilala kita, so basically sya ang dahilan kung paano kita nakilala. Natatandaan mo pa ba kung paano tayo unang nag kakilala? Nakita ko syang nakatingin sa field at nakita kong ikaw lang ang babae doon kaya pag alis nya nilapitan kita agad, ayon pag lipas ng ilang mga araw naging mag kaibigan tayo."
Pati pala si Lucas mas nauna nyang makilala kesa sakin. Hindi ako nag sasalita at hinayaan lang syang mag kwento.
"Kaya ko nalaman kung sino talaga sila ay dahil nakita ko rin mismo kung anong ginagawa nila. Ilang linggo or ilang buwan lang ata matapos mamatay ng mama ni Konrad, nakita ko si Chad na pumunta sa kung saan kaya sinundan ko sya at doon ko nakitang pumatay sila ng tao. Nung makita nila ako ay muntikan pa nga akong mamatay buti nalang at napigilan sila ni Chad kundi wala na ako sa harap mo. Tulad mo nung makita ko iyon, ang unang naramdaman ko ay pag kalito, takot at sakit. Nalito ako kasi hindi ganun ang pag kakakilala ko sa kanya, natakot ako kasi baka kung ano rin ang gawin nya sakin at nasaktan ako kasi nag lihim sya sakin."
Naramdaman din pala nya yung mga naramdaman ko, parehas na parehas kami ng naramdaman.
"Ang sabi nya may posisyon daw ang tatay nya sa organisasyon nila Konrad kaya obligasyon nyang humalili sa ama nya lalo na kapag si Konrad na ang namuno at iyon nga ang nangyari. Si Konrad ang naging boss kaya wala na syang magagawa kundi maging isa na rin sa kanila, dahil ang kapalit ng pag alis sa organisasyon ay ang pag kamatay. Dalawa lang ang pag pipilian para makaalis sa organisasyon mamamatay ka o mamamatay sila, kaya ayun ginawa nya kung aong dapat nyang gawin."
BINABASA MO ANG
The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]
Action[COMPLETED] The Heart of a Mafia Boss Konrad Lucas Laffiel He is invincible. He is the ruler of Laffiel Empire and the boss of Laffiel Mafia. Konrad always gets what he wants, so when he met Lara Trinidad the girl who captured his heart, he decided...