THOAMB #8 - Debt

1.3K 62 0
                                    

Chapter 8

Lara's POV

"Lara, anong problema?" Muli nyang tanong.

Lumapit sya samin at nakita nya ang higit sa sampung kalalakihan na may hawak ng kung ano ano. He immediately clenched his jaw and his fists are ready to punch anytime soon.

Seryoso nyang tinanong ang mga kalalakihan gamit ang baritonong boses na kayang kaya mag bigay ng takot at kilabot sa sinumang makakarinig. "What do you want?"

Nakita ko kung pano humakbang paatras ang mga tauhan ni Sir Emil at sya naman ay hindi nag patinag sa kinatatayuan kahit halata sa mukha nito ang takot na nararamdaman.

Ngumisi sya pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang panginginig ng mga labi nya. "Aba naman Lara meron ka na palang nabingwit na mamahaling isda. Mukhang mayaman ang isang to ha." Komento nya at tinignan pa si Lucas mula ulo hanggang paa at saka mas lumapad ang ngiti.

Hindi nag sasalita si Lucas at matiim lang na nakatingin kay Sir Emil habang ang isang kamay ay naka yukom at ang isa naman ay nakahawak sa kamay ko.

"Tinatanong mo kung anong gusto ko diba?" sabi pa nya habang nakangisi parin, nakakairita na ang ngisi sa mukha nya at gusto ko na iyon maalis sa lalong madaling panahon. Gusto ko sana syang pigilan sa pag sasalita at paalisin nalang pero hindi ko magawa lala na at parang pinipigilan ako ng hawak ni Lucas.

"Stop spitting nonsense and just say what you want." Katulad kanina ay puno ng kaseryosohan ang mukha ni Lucas.

"Ang mga magulang ng babaeng ito ay may utang sakin na limang milyong piso at simula ng mamatay sila ay si lara na ang nag babayad, pero malaki parin ang kailangan nyang bayaran dahil sa interest." Nagawa pa nyang mag palakad lakad habang sinasabi nya iyon.

"How much is it in total? I want it detailed." Of course he wants to know the details, he's a businessman after all.

"Nako bata pasensya ka na at wala masyadong detalye ang utang nila basta limang milyon ang utang at 50% ang interest, fix na ang 50% na iyon sa loob ng limang taon. Kung susumahin ay 7.5 million ang utang nila, pero nabayaran na ni Lara ang nautang na limang milyon gamit ang iniwan sa kanya ng mga magulang nya kaya iyong interest nalang ang kailangan nyang bayaran. Pero maikli lang ang pasensya ko bata mag tatatlong lingo na ay hindi parin sya nag babayad ng hulog nya. Napakabait ko na nga at pinayagan kong hulog hulugan nya iyon at hindi ko na sya binibigyan ng penalty, ngunit ngayon gusto kong bayaran nya na ang natitirang utang." Pag katapos nyang sabihin iyon ay tumigil sya sa kakalakad at tumingin ng seryoso kay Lucas.

"50% interest rate for a fucking debt? That interest is above the legal rate. Damn loan sharks." Angil ni lucas na ikinatawa lang ni Sir Emil.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit umutang pa sa mga loan shark ang mga magulang ko, hinid naman kami nag hihirap dati at hindi ko rin alam kung saan nila ginamit ang pera.

"Pasensya na bata trabaho lang. Kailangan ko na makuha ang pera ko kaya mag bayad na kayo ng 2.5 million ngayon din." Napamaang naman ako dahil sa sinabi nya. 2.5 million? Pero nakakailang hulog na ako sa kanya at alam kong hindi na ganoong kalaki ang utang ko.

"Sir Emil nag kakamali ata kayo ng kwenta, ilang beses na akong nag bayad sa inyo." Don't tell me seryoso sya sa paniningil saakin ng ganoong kalaking halaga.

"Talaga ba lara? Wala akong matandaan." Tumawa sya at parang nang aasar na umupo pa sa sofa bago tinaas ang paa sa maliit na mesa sa harapan nya.

"Pero sir em---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mag salita muli si Lucas na halatang napipikon na sa kaharap namin, mas lalong dumilim ang expression nya at mas lalong humigpit ang pag kakahawak nya sakin.

The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon