Chapter 33
Lara's POV
"Baka naman mali lang ang nakita mo Lara," pag tatanong ni Anna tungkol sa nakita kong tattoo sa tagiliran ni papa kagabi.
"Hindi ako pwedeng mag kamali Anna, nakita ko na ang tattoo na iyon kay Sinister." Nag kainteres agad ako sa tattoo ni Sinister mula nung makita ko iyon sa braso nya, simula nun ay hindi ko na nakalimutan ang itsura non. Isang letter L na binubuo ng mga itim na rosas at sa baba ay may korona na may nakalagy na LAZARO. Ang tanong sa utak ko ay kung bakit may ganun syang tattoo at kung anong ibig sabihin ng pinag usapan nila ng taong kausap nya sa cellphone kagabi.
FLASHBACK
Ako na ang nag tumapos sa tawag nung marinig kong may kumakaluskos sa labas ng pinto ko sensyales na merong tao roon.
Maingat akong nag tungo sa pinto at tahimik na binuksan iyon, sapat lang para makita ko ang tao roon na si papa pala na walang pang itaas na damit. Katulad ng lagi nyag pwesto at ginagawa nasa tapat nanaman sya ng bintana habang may kausap sa cellphone.
"Nagawa mo na ba ang pinapagawa ko sayo?... Kailangan nyong makuha ang anak nyang babae dahil sya ang gagamitin natin para mapalabas sya... bakit hindi si Konrad? Talaga bang tinatanong mo pa yan? Sa oras na mag karoon ka ng pag kakataon alam kong gagawin mo ang lahat para lang mapatay sya, yun nga lang ay kung kaya mo... ilang taon mo nang sinusubukan hindi ba? Assassination, one on one pati nga ambush nagawa mo na pero tignan mo, buhay na buhay parin sya... tanggapin mo ng mas magaling sya sayo... gawin mo nalang ang inuutos ko at pag katapos nun magagawa mo na ang gusto mo sakanya... bukas ng gabi matatapos ang lahat."
Nakatakip ang kamay ko sa bibig ko dahil sa mga narinig ko lalo na sa nakita ko. Anong ibig nyang sabihin sa mga sinabi nya? bakit nabanggit nya si Lucas? At bakit may tattoo sya na katulad ng kay Sinister.
END OF FLASHBACK
"Ang ibig sabihin parte ng mafia ang papa mo?"
Tumango ako sa kanya bilang sagot sa tanong nya, ayoko mang tangapin pero lahat ng mga nalalaman ko ay iyon ang itinuturong sagot. Ang galit nya kay Lucas, ang mga sinabi ng daddy ni Lucas, ang mga narinig kong sinabi nya sa kausap nya, yung timing at lalong lalo na ang tattoo nya.
Kung totoo nga ang mga naiisip ko ang ibig sabihin lang non ay hindi ko talaga alam ang buong pag katao ng tatay ko. Hindi ko alam kung alin ang tama o mali sa mga sinabi nya sakin. Higit sa lahat hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kapag naiisip kong kalaban nila Lucas ang tatay ko.
"kung ganun bakit ang sabi mo sakin sinaktan sya ng mga lazaro?"
Hindi ako nakasagot sa kanya dahil hindi ko rin alam kung ano talagang nangyari, gabi na pero nasa coffee shop parin ako ngayon, wala na ring mga customer dahil dapat closed na ang shop. Kaya lang naman ako narito ay dahil kung titigil ako sa bahay hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Punong puno ng mga tanong ang utak ko na gusto kong mabigyan ng sagot.
Pilit kong iniisip kung anong koneksyon ng mga Laffiel at Lazaro sa nangyari limang taon na ang lumilipas pero kahit anong gawin kong isip ay hindi ko talaga maintindihan ang mga nangyayari. Naiinis ako dahil feeling ko ako lang ang hindi nakakaalam sa mga nangyayari ngayon.
Iniisip ko rin ang tungkol sa narinig ko kagabi, kung tama ang pag kakaintindi ko ay hindi si Konrad ang target kung hindi ang kapatid nito na si Kendra. Kung tama iyon ay kailangan ko silang balaan, kailangan kong sabihin sa kanila ang nalaman ko.
Sabay kaming napalingon ni Anna sa entrance ng coffee shop nung may pumasok mula roon, "Sir Felix?"
Nakita kong ngumiti sya sakin nung nakita nya ako at saka lumapit saamin. "Kilala mo sya Lara?" tanong ni Anna nung mapansin na sa gawi namin patungo ang lalaki.
BINABASA MO ANG
The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]
Acción[COMPLETED] The Heart of a Mafia Boss Konrad Lucas Laffiel He is invincible. He is the ruler of Laffiel Empire and the boss of Laffiel Mafia. Konrad always gets what he wants, so when he met Lara Trinidad the girl who captured his heart, he decided...