THOAMB #12 - Sad Song

1.2K 52 0
                                    

Chapter 12

Lara's POV

Nakatingin lang ako sa kanya ng matiim habang nag hihintay sa sagot na ibibigay nya, may pag kabahala sa mukha nya na para bang hindi nito alam kung anong sasabihin.

"Saan mo to nakuha Lucas? May nangyari ba sayo?" muli kong pag tatanong at mabuti naman na kuha ko na ang atensyon nya.

"O sa ibang tao itong dugo na ito." Dugtong ko sa tanong ko na lalong nakapag palala ng pag kabahala nya.

Ilang sandali pa ang lumipas bago sya sumagot. "What if it is? Pano kung sa ibang tao nga ang dugong to?" sumeryoso ang mukha nya at sinalubong ang tingin ko. "Ano bang sinasabi mo Lucas?" ngayon nabaliktad na ang scenario. Ako na ngayon ang nababahala at sya naman ang matiim na nakatingin sakin.

"I tortured someone Lara at sa kanya ang dugong to." Hindi ako nakasagot at hinihintay na sabihin nyang nag bibiro lang sya pero hindi nya ginawa. Nakatayo lang sya at nakatingin sakin ng seryoso na parang sinusuri kung anong magiging reaksyon ko.

"Please tell na nag bibiro ka lang." hindi parin sya nag sasalita at ako naman ay napaupo sa kama nya, nanlambot ang mga tuhod ko at hindi ko alam kung anong mararamdaman at sasabihin ko.

He tortured someone? Blood? Bakit naman nya gagawin iyon? Pumapatay din ba sya? Well hindi malayong magawa nga nya iyon.

"Why?" nag lakas loob akong mag tanong sa kanya, baka naman may sapat syang dahilan para gawin iyon. Baka naman malaki ang kasalanan sa kanya kaya nya ginawa iyon. Pero anong mag babago kung malaman ko kung bakit? Gagaan ba ang loob ko?

"Katulong sya sa pag sabutahe sa negosyo ng Laffiel." Simple nyang tanong. Para lang doon? Pwede naman nyang gawan ng paraan para mabawi ulit iyon. Bakit kailang---- bigla syang humagalpak ng tawa at hinawakan pa ang tyan na parang mahuhulog iyon sa kakatawa nya.

"B-bakit ka na tawa?" nakakatawa ba ang ginawa nya? Baliw na ba talaga sya?
"Dapat nakita mo ang reaksyon mo Lara, para kang tinakasan ng dugo sa sobrang putla." Tumayo ako at humarap sa kanya, ano bang nangyayari sa kanya?

"It was a joke." Habang sinasabi nya iyon ay tumatawa parin sya. Joke? So pinag titripan lang nya ako? Masaya pa syang kinabahan ako sa sinabi nya?

"Mukha bang nakakatawa iyon Lucas?" may diin sa mga salita ko na ikinatigil ng pag tawa nya. Muling bumalik ang seryoso nyang mukha na parang hindi sya tumawa.

"Hindi iyon nakakatawang biro alam mo ba yon?"

"I know."

"Pero bakit mo ginawa?"

"To see your reaction."

"For what?"

"For me to know if you're ready enough to know something."

Hindi na ako sumagot at tinignan lang sya ng matiim. Ano ba kasing tinatago mo Lucas? Simula ng mag kakilala tayo ang dami ko ng tanong sa sarili ko tungkol sayo. Pero alam kong hindi ka pa ready kaya mag hihintay pa ako hanggang sa kaya mo na sabihin sakin kung sino ka talaga.

"So kanino ngang dugo yan?" nang makabawi ako ay muli so syang tinanong.

"Kay Salvador, nag kainisan sila ni Zamora at nag away. Brutal na babae si Zamora kaya may dumanak na dugo." Sagot nya at tinalikuran na ako. "Sorry about the joke." Huli nyang sinabi bago tuluyang pumasok sa cr.

Galit ba sya? Hindi ba dapat ako ang magalit dahil sa ginawa nya? May nasabi ba akong masama? Umiling iling ako at lumabas nalang ng kwarto bago pumunta sa kusina para mag handa ng kakainin namin.

The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon