THOAMB #22 - Kendra

1K 40 0
                                    

Chapter 22

Lara's POV

"Hello Inspector?"

"Oh Lara bakit?"

"Wala parin po bang balita sa Tatay ko?"

"Nako pasensya ka na pero wala pa talaga kaming makuhang lead tungkol sa tatay mo, hayaan mo sa oras na may malaman kami ipapaalam ko kaagad sayo."

"Ganun po ba, sige po salamat."

Napabuga ako ng hangin matapos ang pag uusap namin ni Inspector Santos. Noong hindi kami nakakapag usap ni Lucas ay lumapit ako sa mga otoridad para mag patulong sa pag hahanap sa tatay ko, kaso hanggang ngayon wala parin silang makuhang lead kung nasaan si papa.

Hindi ko na rin binanggit kay Lucas iyon dahil ayokong dumagdag sa isipin nya lalo pa't marami syang kailangang tapusin na gawain.

Bumalik na ako sa pag gagawa ng order na kape ng mga costumer, wala parin si Sinister tulad nung mga nakaraang araw. Ang huling kita ko pa sa kanya ay nung gabi na dinala nya ako sa pier pag katapos non ay wala na.

"Oh my gosh! Why is it so init here in the Philippines?"

Halos lahat kami ay napatigil sa ginagawa at napatingin sa babaeng kakapasok lang ng coffee shop, putek ang ganda. Jet black wavy long hair, fair white skin, kissable small red lips and a model like body figure. She looks like snow white with long hair. Model ba ang isang to? Sikat ba sya? Para kasing nakita ko na sya sa kung saan e.

"Bakit ka nandito?"

"Oh hi kuya Chadler,"

Naandito rin pala si Chad mukhang pinayagan na ni Lucas na mag pakita sakin. Pero wait mag kakilala sila?

"Kelan ka pa nakauwi?" lumapit si Chad doon sa babae at nag beso beso sila. "Kahapon lang and you know kuya dragon is so epal and weird." Mukha namang wala silang pakialam sa mga taong nakatingin sa kanila dahil nag patuloy parin sila sa pag uusap.

"Why?" tanong ni Chad. "He said I need to go home kasi I should prepare for his kasal, I was so gulat kaya I book the pinakamabilis na flight papunta rito even though he said na si Nikolo ang mag susundo sakin. You know I'm in Korea lang naman for the fashion week kaya mabilis lang me nakauwi rito, I was so excited na para sa wedding but kuya dragon said that the wedding is off. My gosh he is so panira ng trip, then when he got home last night I ask him who is the girl he will marry pero he just turned his back from me then pumunta na sya sa room nya, so epal right? He didn't even talk to me hmmp that's why I'm here, I asked nalang Nikolas kung sino yung girl and you know naman Nikolas right? He's so masunirin kapag mas superior sakanya yung nag ask kaya nalaman ko na here pala nag wowork si girl, my soon to be sister in law."

"..."

What the fudge wala bang translator para sa alien language? Lahat ng taong malapit sa pwesto nila ay nakatunganga na ngayon sa kanila. I mean sino ba naman kasing hindi diba? Apaka lakas mag conyo ni girl pero bakit ang unfair diba pag ganun nakaka turn off bakit sakanya okay lang. Ang duga.

Tumawa naman si Chad pero halata ang tinatago nyang emosyon. "Hindi ka parin nag babago, sige puntahan mo na yung hinahanap mo." Pag katapos nyang sabihin iyon ay tumingin sya sakin saka umalis at pumunta na sa tinatambayan nila ni Anna. Ano yon?

Nag lakad na si girl palapit... sakin? Teka bakit sakin? Hala bakit ako? Tumingin muna ako sa paligid ko pero wala namang tao kundi ako.

Pag kalapit nya sakin ay ngumiti sya sabay tinanggal ang shades na suot nya, nung makita ko ang buong mukha nya at ang kulay ng mga mata nya feeling ko alam ko na kung sino sya.

The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon