THOAMB #34 - The War

969 25 2
                                    

Chapter 34

Lara’s POV

Hindi ko alam kung anong emosyon ang dapat kong maramdaman sa mga oras na ito, parang gusto ko nalang mawalan bigla ng malay dahil sa mga nangyayari.

Buhay si papa tapos ngayon si mama naman, limang taon akong namuhay na puro kasinungalingan lang ang alam?

Happiness should be the dominant feeling na nararamdaman ko, pero all I can feel is anger, anger for myself. Bakit hinayaan kong mangyari to, bakit hinayaan kong lumipas ang limang taon na wala akong alam sa mga totoong nangyari.

“H-hindi pwede to, p-paanong buhay ka?” sabi ni papa habang titig na titig parin kay mama, “Nabuhay ako para sabihin sa lahat ang totoong nangyari limang taon na ang nakalilipas, para sabihin kung anong klaseng tao ka talaga David.” This is the first time I saw my mom standing firm against my dad. Back then she never raised her voice when she’s talking to him or even when they are arguing, she never do something that will make my father angry.

“Dahil sa kasakiman mo gumawa ka ng mga bagay na naging sanhi para mangyari itong lahat, ikaw ang may kasalanan ng lahat mula sa pag kamatay ng pinunong Lazaro na naging dahilan ng mas lalong pag laki ng hidwaan ng dalawang pamilya,at hanggang ngayon ikaw parin ang dahilan ng mga nangyayari.”

“What’s the meaning of this? Anong sinasabi mo tita?” naguguluhang tanong ng kapatid ni Sinister. Halata ang gulat sa mga taong naririto maliban nalang sa tatay ni Lucas, kay sir Felix at pati na rin sa kanya. “Alam mo ang lahat ng 'to?” naramdaman ko lang ang pag tango nya bilang pag sagot. “It’s the reason why I avoided you,"

So tama nga ang hinala ko? Kaya nya ako iniwasan ay dahil nalaman nya ang totoong pag katao ng tatay ko.

“S'ya ang lumason sa utak ni Cyrus para ipag utos ang pag patay kay Sherlyn ang asawa ni Enrique, ginawa n'ya iyon dahi---“

“TUMIGIL KA NA!” umalingawngaw ang boses ni papa sa loob ng lugar na ito dahil sa pag sigaw nya, “Bakit? Ayaw mo bang malaman nilang lahat ang katotohanan? Dahil sa patuloy na pag laki ng Laffiel lalong nabawasan ang tyansa mong maging kapalit ni Cyrus bilang pinuno, dinamdam mo iyon kaya ginawa mo ang plano mo. Ikaw ang dahilan kung bakit naaksidente si Sherlyn pati na rin kami, kasama kami ni Sherlyn sa kotse na iyon, kamasama kami ni Sanya sa mga nadamay dahil sa'yo.”

“Hindi totoo yan, nag sisinungaling ka lang.”

“Alam mong hindi kasinungalingan ang mga sinabi ko David, nang gabing iyon kung hindi dumating ang mga Laffiel ay malamang patay na rin ako ng gabing 'yon. Ikaw ang nag sabi ng planong iyon kay Cyrus kaya ikaw rin ang may kasalanan kung bakit sya napatay. Dahil lang sa kagustuhan mong maging mataas ang katungkulan mo nagawa mong isakripisyo ang mga kaibigan mo. Hindi totoong ang Laffiel ang may gawa ng lahat dahil ikaw, ikaw ang may kasalanan ng lahat.”

“TAMA NA!”

Naging mabilis ang mga sumunod na pangyayari, kasabay ng pag sigaw ni papa ay ang pag papaputok nya ng baril kay mama. Mabilis syang nilapitan ng mga tauhan ng Laffiel at nag sunod sunod na ang palitan ng bala mula sa dalawang panig.

Nag sunod sunod din ang pag kabasag ng salamin ng bintana dahil sa sunod sunod na balang pumapasok doon mula sa labas.

Nakita kong agad na lumapit si Nikolas kay Kendra na wala paring malay hanggang ngayon, nagawa nyang makuha ang babae dahil na rin sa tulong ng mga kasama. Pinalibutan sya ng mga kakampi at sila ang nagiging panangga nito sa tuwing may lumalapit sa kanilang kalaban.

Ang tatay naman ni Lucas ang syang nakikipag laban kay papa, hindi ko na alam ang iba pang nagyayari at namalayan ko nalang na tumatakbo na ako sa kung saan, kasama si Lucas.

The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon