Chapter 13
Lara's POV
"Hey girlfriend wake up." Nagising ako dahil sa mahinang tapik na nararamdam ko at dahil sa napaka sweet na boses ni Lucas. Gising na ako pero hindi ko parin minumulat ang mga mata ko.
"Gising na, lalamig ang hinanda kong breakfast para sayo." naramdaman kong umupo sya sa tabi ko pag katapos ay inayos nya gamit ang kamay nya ang buhok na nakatabing sa mukha ko.
Nanatili lang akong nakapikit kahit gusting gusto ko na syang tignan. "Alam mo bang alam ko kung kelan tulog talaga ang isang tao at kung kelan sila nag tutulog tulugan lang?" sabi nya at napatawa dahil bigla akong nag mulat ng mata. Tss ano ba yan, alam nya talaga?
"Gusto mo ba ng morning kiss katulad ng napapanood ko sa mga movies kaya ka nag tutulog tulugan? Pwede mo namang sabihin ng ayos." nakangiti sya ng nakakaloko at akmang lalapit sa akin para halikan ako pero agad kong naiharang sa mukha nya ang unan ko. Tinulak ko sya at bumangon na sa kama.
"Kiss mo sarili mo, hindi ako nang hihingi ng kiss no." narinig ko syang tumawa kaya naman binato ko sya ng unan na malapit sakin.
After naming mag usap kagabi ay mag katabi kaming natulog pero walang nangyari saamin ha. Natulog lang kami agad pag katapos naming mag kwentuhan tungkol sa mga bagay bagay. Wala nangyaring iba. Wala na talaga promise.
Pag katapos nyang tumawa ay lumapit sya sakin at niyakap ako. "Ano ba Lucas lumayo ka nga sakin. Baka ang baho ko." Pero dahil dakilang baliw ang isang to mas lalo lang humigpit ang yakap nya sakin.
"Mabango ka naman e, kaamoy na kita." Sabi nya habang ramdam na ramdam kong inaamoy amoy nya pa ako. Mukhang kumapit na ang amoy nya sakin dahil kalat na kalat sa kwartong ito ang scent nya.
"Ewan ko sayo, wala ka bang pasok sa opisina?" tinulak ko na sya palayo dahil tumataas na ang balahibo ko sa ginagawa nya. Nakikiliti ako at pati ang puso ko ay nag rereact dahil sa ginagawa nya.
"Ayokong pumasok, gusto kong makasama ka." Sabi nya at gamit ang kamay sinuklay nya ang buhok ko. Putek bakit lagi nalang nya akong pinapakilig.
"Ano ka ba hindi mo rin naman ako makakasama dahil may pasok ako sa coffee shop." Pag katapos nyang suklayin ang buhok ko ay hinawakan nya ang kamay ko at dinala sa CR.
"Pinag paalam na kita sa boss mo na hindi ka papasok ngayong araw. Go do your girly morning rituals, I'll wait for you in the kitchen." Tangkang lalabas na sya ng cr pero pinigilan ko sya. "Mag kakilala kayo ni Anna?" tanong ko na nakapag pakunot naman ng noo nya. "Yung boss ko na may ari ng coffee shop." Pag lilinaw ko na mukha namang naintindihan nya.
"Woman hindi sya ang may ari ng coffee shop. Manager sya at si Sandoval ang may ari ng shop kaya sa kanya ako nag paalam." Paliwanag nya at tuluyan nang lumabas ng CR. Naiwan akong nakanganga habang inaabsorb ang sinabi nya, sa tagal kong pag tatrabaho sa coffee shop na iyon ang buong akala ko ay si Anna ang may ari. Hindi naman nya ako tinatama kapag sinasabi kong sya ang may ari, pero bakit naman hindi nya sinabi sakin? Ano ba talagang meron sa kanila ni Chad?
Inalis ko sa utak ko ang mga naiisip ko at ginawa ko nalang ang sinabi ni Lucas na girly morning ritual bago ako pumunta sa kusina dala ang cellphone ko. Kahapon pa kasi merong weird na nag tetext sakin e.
Nakita ko si lucas na kulang nalang ay patayin sa titig ang cellphone nya, matalim ang tingin nya doon at mahigpit din ang hawak.
"Hoy anong ginawa nyang cellphone mo at parang gusto mo nang patayin." Lumapit ako sa kanya at tumabi sa inuupuan nya, nag lagay ako ng pag kain sa plato at binigay sa kanya. "Kumain ka na nga lang."
Muntikan ko nang mabuga ang laman ng bibig ko dahil sa kanya. Parang may humahabol na kung ano sa kanya at pandalas ang pag subo nya ng pag kain.
"Ano ba umayos ka nga." Agaran ko syang inabutan ng tubig dahil nabilaukan ata gawa nang binatukan ko sya.
BINABASA MO ANG
The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]
Action[COMPLETED] The Heart of a Mafia Boss Konrad Lucas Laffiel He is invincible. He is the ruler of Laffiel Empire and the boss of Laffiel Mafia. Konrad always gets what he wants, so when he met Lara Trinidad the girl who captured his heart, he decided...