THOAMB #1 - Deal

2.8K 107 7
                                    

Chapter 1

Lara's POV

Nagising ako dahil sa paulit ulit na pag tunog ng cellphone ko.

"Hello?" Narinig ko ang boses ni Anna nang sagutin ko ang tawag, bakit kaya sya napatawag sa pag kakatanda ko ay day off ko ngayong araw.

"Hello ma'am." Sagot ko rito pag kabangon ko sa higaan.

"Lara, alam kong day off mo ngayon pero pasensya na pwede ka bang pumasok?"  tanong nito gamit ang boses na alam nyang hindi ko matatanggihan.

"Bakit po? Ngayon na nga lang ako naka pag day off Anna." Hindi ko na sya tinawag na ma'am dahil ayaw naman nya talagang tinatawag ko sya ng ganoon kasi mag kaibigan kami, ako lang talaga ang nag pupumilit na tawagin syang ma'am.

"Tatlo lang kami rito dahil absent si Jed at alam mo namang tuwing sabado ay maraming customer, please pumasok ka na bibigyan nalang kita ng 2 days day off okay? Sige na bye. Hintayin kita ha." Sabi nito at pinatay na ang tawag.

Hindi pa sya nakakasagot ay tinapos na agad ang tawag alam kasi nitong hindi ko naman sya matatanggihan dahil bukod sa boss at kaibigan ko sya, Malaki rin ang utang na loob ko sa kanya.

Naligo na ako at nag ayos pag katapos ay umalis na ako para pumunta sa Comfy Coffee shop para pumasok kahit day off ko naman.

Ako nga pala si Lara Trinidad at nag tatrabaho ako bilang barista sa coffee shop ng kaibigan kong si Anna, BS Secondary Education ang tinapos ko pero hindi ako nakakapagturo dahil hindi ako nakakuha ng test for licensure dahil sa iba't ibang dahilan. Kailangan ko rin kasing mag trabaho agad para matustusan ang mga pangangailangan ko. Simula kasi ng maulila ako ay ako na ang tumulong sa sarili ko dahil wala rin naman akong mga kamag anak na maaasahan. May mga naiwan naman saking pera ang mga magulang ko pero halos wala na ring natira dahil sa mga utang na naiwan din nila, hindi ko pa nga nababayaran ang iba.

"Kala ko ay di ka na darating e. Salamat." Bungad sakin ni Anna at niyakap ako. Nginitian ko naman sya at akmang isusuot na ang apron na ginagamit ko tuwing nagawa ako ng kape nang bigla nya akong pigilan.

"No may iba muna kong ipapagawa sayo, umorder kasi ang VIP costumer natin ng kape at gusto nilang ideliver sa address na to ang kape." Saad nito at pinakita sakin ang lugar kung saan dadalhin ang delivery.

"Sinasabi mo bang ako ang mag deliver niyan? Asan ba si Jed? Bakit ako? Hindi naman iyan ang trabaho ko e." Angal ko sa kanya at akmang aalis na at pupunta sa coffee machine pero hinawakan nya ako.

"Please Lara, ikaw nalang muna ang mag deliver nito wala kasi si Jed para mag deliver e." sabi nya, si Jed ang delivery man namin. "Pero ma'a---" naputol ang sasabihin ko ng may dumating na mga costumer sa coffee shop, ibinigay na sakin ni ma'am ang mga kape at no choice na ako kundi ideliver ito.

Umalis na ako at baka lumamig pa ang mga ito. Ang narinig ko ay wala si Jed dahil nag semplang ito habang nakasakay sa motor nya kayat nabalian ito ng buto at hindi muna makakapasok ng ilang araw.

Pag karating ko sa lugar na nakasulat sa papel ay napamaang ako sa laki ng establishment sa harapan ko.

Tumayo ako sa harap ng entrance nito. "Talaga bang makakapasok na ako sa lugar na ito?" wala sa sariling tanong ko, pangarap kong makapasok sa lugar na ito dahil ito ang pinaka malaking kompanya sa buong bansa.

Laffiel Empire.

Pangalan palang ay halata na ang karangyaang nakukuha ng taong nag mamayari nito, The Laffiel Empire is well-known for its businesses such as real estate, cruise ships, cars, aircrafts and airlines, it also has bars and wine businesses all over the world.

The Heart of a Mafia Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon